PROLOGUE

1K 171 225
                                    

Welcome to Quarantine World. My name is Joshua Yesh. coz Joshuanna be with you and yesh yesh sinasagot na kita... Ang pinaka gwapo sa pang Quarantine World and I believe na okay ng walang kachat basta di pampalipas oras. My name is Joshua Yesh at may katagang "Maguusap pa rin ba tayo pagtapos ng Quarantine?"





Lahat ng tao may kanya kanyang distansya sa bawat pagtayo, pagupo o sa kahit saang sulok. Lahat ng tao ay may makapal na tela na nakatakip sa kani-kanilang ilong na may habang abot hanggang bibig. Mayroon pa akong nakita na kahit may takip ang kanilang bibig ay may liptint pa din na nakatago dito. Nakakalito.


Lahat ng klase ay nasuspende na akala ko simpleng suspensyon lamang na lagi kong ikinatutuwa marahil makakatambay nanaman ako sa computershop na may mabahong headset. Computershop lagi kong pinagiistambayan sa normal na panahon maging sa abnornal na panahon na ngayo'y sarado na.


Nauso ang online class agad ko itong ikinatuwa marahil nagpakabit ang aking ina ng internet pero agad kong napagtanto na mas malaki ang nawala sakin. Walang baon sa online class..


Agad akong nagpatuloy sa pagscroll at pinusuan ang mga babaeng nagpapalit ng profile na may mask ang mukha, na karamihan sa kanila ay  ibinababa ang mask sa baba para makita ang kanilang mapupulang labi. Liptint.


Agad akong natigil sa pagscroll ng biglang may lumabas na chat head na mayroong profile na itim.

: Kumain kana?

: Tagal mo naman magreply nireto ka pa naman sakin ng kaybigan mo sama naman pala ng ugali mo pang quarantine lang naman

: ayoko sa mabagal magreply

: ang bagal magreply di naman kagwapuhan

You can't reply to this conversation




My name is Joshua Yesh. coz Joshuanna be with you and yesh yesh sinasagot na kita... I believe na okay ng walang kachat basta di pampalipas oras.




LigayaInLongterm
All Right Reserved

Pang Quarantine Ka LangOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz