iii

111 6 0
                                    

"O san punta mo?"

Napalingon ako sa desk ni Sunny

"Labas na ako, pina-pauwi na ako ni Kurt eh. Ayaw ata na dito ako naka tambay" sagot ko na naka ngiti.

"Siguro malungkot ka. Alam mo naman ugali ni Kurt, pinapa day-off lahat ng empleyado niya tuwing malungkot"

"Kaya nga eh, o siya mauna na ako sa inyo"

"Sige ingat ka, mukhang uulan sa labas"

Tumango ako kay Sunny at tinahak na ang daan palabas sa building. Binuksan naman ng guard ang pinto para sa akin ng makitang papalabas na ako.

"Uwi na kayo sir, ingat sir"

"Ingat din po kayo kuya guard" naka ngiti na saad ko.

I really love the people working in this company. Lahat ay binabati nila ang nakaka salubong  na may malapad na ngiti. How I wish lahat ng workplace ay ganito, para less toxic and stress free ang bawat mangga-gawa.

Kung may madaling pakisamahan na tao, meron din naman ang hindi maintindihan ang ugali at ang hirap paki samahan.

Tama nga si Sunny, umuulan na nga dito sa labas. Maganda naman ang panahon nung pumasok ako ng building. Pati ba ang panahon nakiki ramay sa dinaramdam ko ngayon?

I silently cuss to myself dahil sa katamaran ko, hindi ko dinala ang sasakyan na naka tengga lang sa bahay.

For sure basa nanaman ako pag uwi neto, I really hope na hindi ako mag kaka sakit dahil sa plano kong pag suong sa ulan.

Hinanda ko na ang mga dala kong gamit, I secured the things ma maaring masisira pag nabasa ng ulan. As I will take my leap para tumakbo sa ilalim ng ulan, isang kulay pula na kotse ang tumigil sa harap ko.

Dahil sa gulat hindi ko napigilan ang mapatili, kaya lahat ng mata ay naka tingin sa akin.

Bigla naman bumaba ang salamin ng kotse at lumabas ang ulo ni Titus mula dito.

"Hey are you okay? I'm sorry kung bigla akong tumigil sa harap mo"

Imbes na magalit dahil sa ginawa nito, ibayong saya naman at bilis ng pintig ng puso ang nararamdaman ko.

"Ayos lang, wala namang masamang nangyare sa akin" sagot ko sabay bigay ng isang matamis na ngiti.

"Heading home? I can give you a ride if you like" wika niya, na siyang ikinagulat ko.

Ihahatid niya ako? Uhm, excuse me techinically speaking isasabay ka lang niya, mag kaharap lang kaya ang bahay niyo. Pag kontra ng isip ko.

Tama, mag kapit bahay nga kami, at isa pa baka na konsensya lang siya dahil muntikan na niya ako masagasaan kanina. Tama yun nga.

"Kung hindi naman nakaka abala sa iyo, ayos lang din" simpleng sagot ko para sa offer niya

"Not at all, hop-in"

Agad ko namang sinunod ang gusto niyang mangyare. Patakbo kong tinungo ang shot gun seat at malakas na isinara ang pinto ng sasakyan.

Nginitian niya muna ako before he pressed the start button of his car.

Pag labas ng main road, nagulat kaming pareho dahil sa mahabang traffic na nasa harapan namin. I'm sure na matatagalan kami dito sa biyahe, at kung mamalasin baka sa daan na kami aabutan ng lunch.

Ito ang problema dito sa Pilipinas lalo na sa Manika konting ulan, baha agad. Mag co-cause ng traffic at kung mamalasin may maaksidente pa na lalong mag co-cause ng traffic.

[✔] The Space Between Us [BL Short Story]Where stories live. Discover now