i

129 6 0
                                    


ווו

Umiiyak ang batang si Calvin habang hawak ang parehong kamay ng matalik na kaibigan na si Titus.

"Promise uuwi naman kami pagkatapos mapagamot ang heart ko. Diba alam mo naman na may sakit ako sa heart" paliwanag ng batang si Titus

"Alam ko naman yon, pero kailan kayo uuwi? Sino na ang kalaro ko? Sino na rin ang magta tanggol sa akin pag nag may nanga away?" umiiyak na sagot ng batang si Calvin

"Tatawag naman si Mommy kay tita tapos araw-araw tayong mag uusap para kahit papaano hindi mo ako gaano ma miss"

"Totoo ba yan? Promise mo yan ha? Lagi kong hihintayin ang mga tawag mo" naniniguradong tanong ng batang si Calvin

At dahil mga bata agad nag pinky swear and matalik na mag kaibigan.

Sa mga unang gabi ng pagdating nila Titus sa America parati itong tumatawag kay Calvin hanggang sa isang gabi hindi nakatanggap ng tawag ang naghihintay na batang si Calvin.

Isang gabi at nasundan pa ng maraming araw at gabi. Tuluyan na nga siguro siyang nakalimutan ni Titus.

Pero kahit ilang taon ang dumaan parati parin umaasa si Calvin na baka tatawagan na siya ni Titus at sasabihin kung gaano siya nito na-miss.

Para kay Calvin ang Pilipinas at Amerika ay lugar lamang, at hindi ito magiging hadlang para mawala at mamatay ang pagkakaibigan nila ni Titus na habang buhay niyang iingatan.

Present Day~

"Aba naman Calvin wala ka bang balak bumangon diyan sa higaan mo? Aba'y kanina pa tirik ang araw"

Agad akong napamulat at tiningnan ang oras na mula sa wall clock ng kwarto ko. Alas sais-y-medya pa lamang ng umaga. Kahit kelan talaga si mama.

"Aba, hindi porket nag ta-trabaho ka sa kina-kapatid mo eh. Kahit anong oras mo na gusto pumasok sa trabaho" patuloy na bulyaw ni mama.

Agad naman hinawi ni mama ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Kaya pumasok ang nakakasilaw na liwanag.

"Eto na nga at babangon na" inaantok na sagot ko mula sa maagang pagising ni mama.

Agad kong niligpit ang aking kama, at pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo at mag bihis ay bumaba na ako papuntang kusina para kumain ng agahan. Habang papasok ng kusina sumilip muna ako sa bahay nila Titus na nasa harap lamang ng aming bahay at tanaw lamang sa may bintana namin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, at hindi makagalaw. At dahil sa pagkataranta ko napasigaw ako.

"MAMA! MAMA!" malakas na sigaw ko

Nagmamadaling lumabas ng kusina si Mama at lumapit sa kinalalagyan ko.

"Oh bakit, anung nangyayare?" tarantang tanong ni mama

"Ma! May nanloob sa bahay nila Titus. Bakit bukas ang bahay nila?" hintatakot ko na tanong kay mama

"Loko-loko kang bata ka. Hindi sila ninakawan. Balita ko dumating si Titus eh. Hindi nga lang kasama mga magulang niya" paliwanag ni mama

"Ganun po ba? Bakit hindi man lang nagpasabi? Hindi ba tumawag sila tita sa iyo?" takang tanong ko na ang tinutukoy na tita ay ang mama ni Titus

"Wala eh, narinig ko lang sa mga chismosa diyan sa labas na si Titus lang daw eh" sagot ni mama

"Ah, ganun po ba?" matamlay na sagot ko.

Masaya naman ako dahil sa hinaba-haba ng panahon ay naka uwi na si Titus, ang aking matalik na kaibigan.

[✔] The Space Between Us [BL Short Story]Where stories live. Discover now