Chapter 1 Playmate

2.8K 118 60
                                    

Mystery's POV

Nakanganga ako habang nakatingin sa mala palasyong bahay na nasa harap ko. Mas malaki pa ito sa kapitbahay naming mayaman din. Mga ilang palapag din ito, sigurong kapag pumasok ako sa loob ay maliligaw ako.

" MaLo ang laki ng bahay! " manghang sabi ko sa aking Lola\ Mama na siyang nag aruga sa akin.

"Oo apo, ang laki ng bahay ng amo ko. Pero gusto ko kapag nasa loob na tayo eh mag behave ka lang at wag na wag kang lalabas ng kuwarto, hindi kasi alam ng mga amo ko na may dala akong bata at baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman nila. Hahanap pa ako ng tiyempo para sabihin sa kanila."

Mahabang paliwanag niyo sa akin. Tumango pa ako para makumbinsi siya na hindi ako gagawa ng ikakapahamak ni MaLo.

" Basta ikaw Ruben, hiwag kang maingay ha!" Paalala pa ni MaLo kay Mang Ben o Ruben na siyang sumundo sa amin.

"Oo hindi ako magsasalita basta labas na ako kapag nagkabukuan na ha?"

"Oo wag kang mag, alala hindi kita idamay." Sagot ni MaLo.

"O, maghanda na kayo dahil papunta na tayo sa Maid's House." Sabi muli ni Mang Ruben. Muli kong sinulyapan ang malaking bahay na aming nilampasan dahil papunta daw kami sa bahay na para lang sa mga katulong na nakabukod sa malaking bahay na iyon.

"Sige na Myste, pumasok kana sa loob ng baul."

Neknek naman oh! Heto nanaman kami sa baul baul nayan.

Hindi kasi alam ng may-ari ng malaking bahay nayun na may isasamang bata si MaLo ko, busy pa kasi ang mga may ari at hindi naman makahanap ng tiyempo si MaLo kaya heto. Tago-tago muna ako dito sa baul.

Nagumpisa na akong pumasok sa loob ng baul, nakakahinga naman ako dahil may maliit na butas ito dahil luma na kaya butas-butas na ang baul ko. Cherlalu naman oh!

Katakot-takot na pagpuslit ang ginawa nila sa akin, mabuti nalang at tatlong dekada nang nagtatrabaho si MaLo dito kaya pinagkakatiwalaan na siya at di na mahigpit ang guwardiya sa kaniya, matanda na siya pero mas matanda daw yung mayordoma nila na kaibigan niya lang din.

Bahagya pa akong nauntog dito sa loob, medyo pahirapan kasi ang pagpasok sa akin ni MaLo at ni mang Ruben na pinagtulungan akong ipasok. Cherlalu talaga oh!

"Myste, labas na diyan nandito na tayo sa loob. Wala ng makakakita sayo"

Agad akong lumabas sa baul ko at boom! Cherlalu!! Ang ganda ng kuwarto ni MaLo. Parang kasing laki na yata ng bahay namin ang loob nito. Sosyal! Maid's room palang to ha, paano kaya kung mismong mansyon na. Siguro kasing laki nayun ng MOA. Kada maid kasi ay may nakalaang parang maliit na bahay na siyang kuwarto nila.

"MYSTE!!"

Napalundag ako sa gulat ng tinawag ako ni MaLo, Cherlalu!nagulat ako dun ah.

"Ano kabang bata ka, kanina ka pa nakanganga. Ang sabi ko halika na dito at ayusin mo na iyang gamit mo, ilagay mo dun sa loob ng cabinet at itabi mo rin yung baul mo"

"Opo MaLo" labas sa ilong kong sabi.

"Ay naku!! May kailangan papala akong gawing trabaho, malapit na mag tanghalian kailangan kung tumulong sa kusina. Myste! Dito ka muna at pupunta nako sa mansyon"

"Alis kana MaLo? " tanong ko.

"Oo Myste, dito ka lang at wag kang lalabas, kapag may naramdaman kang ibang tao na paparating alam mo naman siguro gagawin"

"Alin MaLo? Hahampasin ko ng baul ko?" Nakanguso kong sagot.

"Loka, ang gawin mo magtago ka sa loob ng baul mo at huwag kang lalabas.

"Opo MaLo" labas ulit sa ilong kong sabi.

****

Ilang minuto na ang nakalipas ng umalis si MaLo, heto ako at nakahilata sa kama ni MaLo. Di ko pa naliligpit ang gamit ko. Sarap humiga eh.

Bigla naman akong napabangon ng marinig ko na tila may nagbubukas ng sedura ng pinto. Dali-dali akong tumakbo at nagtago sa loob ng baul ko. Cherlalu naman oh! Sarap humiga pa eh!

Narinig kong bumukas-sara ang pinto at may nagtatatakbo. Sumilip ako sa maliit na butas ng baul ko.

Nakita ko ang isang bata na kaedad ko lang din. Nakasuot ito ng itim na kapa. Nakagray na jacket at pajama pero nasa labas ang brief nitong itim. Kumbaga nauna isuot ang pajama kaysa sa brief. Anong trip ng batang to?

"Shoooooowww!! Ako si batman! Ako ang tapagtangol ng Pilipinas!! " sabi niya at sinabayan pa ng tawa. Yung tawa na parang siya yung kontrabidang gagawa ng masama.

Ay! Naglalaro pala siya, gusto sali ako. Pero teka, nasa Pilipinas na pala si Batman? Charlalu!!

Nagtatalon ito na parang siraulo na action star na nakikipaglaban. Lakas ng trip neto ha, gusto ko rin sumali, ako si Darna tapos bubugbugin ko siya kasi wala siyang suot na maskara ni Batman. Tatawagin ko rin ang Voltes V para tulungan akong bugbugin to.

Pigil ang paghagikgik ko dito sa loob ng baul sa naisip. Pero nanlaki ang mata ko dahil yung batang ampon ni Batman, pinakikialaman yung mga damit ko.

Mas nabuwisit ako ng kinuha nito ang itim kong panty at isinuot sa ulo para magmukhang maskara. Charlalu ka!!!

Nangsimula na naman itong mag ala jackie chan sa pagkikipaglaban. Habang suot-suot parin ang panty ko sa mukha niya. Busangot ng husto ang mukha ko dahil ginawa biyang maskara ang itim kong panty.

Hindi ako nakapagpigil sa inis kaya lumabas ako sa baul at sinugod siya. Pinaghahampas ko siya pero akala yata nito eh nakikipaglaro ako. Tumakbo ito at gumulong gulong pa na parang ninja.

"Wattaaahhh!!! Sino ka kampon ng kadililam!!?" Sabi niya na may kasaman posing na ready to fight na.

" Siraulo! Di ako kampon ng kadiliman! Hoy bata !! Akin na panty ko!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ko pwedeng ibigay ang maskarang ito! Ito ang source ng power ko!"
Sabi nito.

"Hindi yan maskara bata! Panty ko yan! " balik kong sabi at muli soyang hinabol.

Ang pilit kong pagkuha sa panty ko ay tuluyang nauwi sa pakikipagharutan at pakikipaglaro sa batang ito na di ko pa alam ang pangalan. Nakikipagkarate ako naparang tanga sa kaniya at ganun din siya sa akin.

"Bogsh! Wattah! Wattah! "

"Haayyaah!!! Hayyahh!! "

Sabi namin habang kunwaring nagsusuntukan kaming dalawa. Ang gulo narin ng kuwarto dahil panay kami habulan, talon at batuhan ng unan at damit. Tawa lang kami ng tawa pagkatapos habang nakahiga dito sa sahig.

Pero ang tawanan namin ay nahinto ng makarinig kami ng tawag mula sa malayo sa labas.

"Oh no, Mommy is looking for me already, I have to go na" sabi niya.

"Ay..uwi kana? Tapos na laro natin? " nalulungkot kong sabi.

"Don't worry, babalik ako next time, Bye!" Sabi nito at nagmamadaling lumabas ng pinto.

Tila naman nalungkot ako dahil ngayon palang ako may nakalarong bata. Nag iisa lang kasi bahay naman sa probinsya eh. Malayo kami sa kapitbahay at ako lang bata dun kaya wala akong kalaro kundi yung kalabaw namin.

Pero nagulat ako ng muling bumukas ang pinto at inilusot ng batang lalaki yung ulo niya.

"By the way, what's your name?"

Uy..name daw, ano daw pangalan ko siguro.

"Mystery Fraulein"
!!!!
"I'm Lightning, see you next time Fraulein " sabi nito sabay alis at sarado muli ng pinto.

Ngeek! Cherlalu yung panty ko!

Pero anu raw? Lightning pangalan niya, ang astig. Di pala dapat batman tawag sa kaniya. Shazam!!

"Diyos ko sa ika-pitong langit!! Myste!! Ang sabi ko ayusin mo gamit mo! Bakit mukhang dinaanan ng bagyo itong kuwarto!!?"

Paktay!

SHORT UPDATE!!

Her Dominant Nerd (Deathrone #6) Lighting Zeus DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon