"Tsaka pangkulot" dugtong pa niya na ikinairap ko.

"Arte mo" asik ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako.

Tahimik akong nanuod sa mga nagvovolleyball. Ang tatangkad nila at ang gaganda ng mga katawan. Buti pa sila, malalaki na. Gusto ko na talagang lumaki!


"Taho!" sigaw ni Manong magtataho. Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko. Nakakain na ako ng almusal pero gusto ko pa din ng taho. Tathi, anong nangyari sa ayaw mong kumain ng rice at may pataho ka pa?


"Manong!" sigaw na tawag ko sa kanya kaya naman kaagad siyang tumigil. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Charlie. Imbes na lingonin siya ay hinintay ko na lamang na sumunod siya sa akin, nasisigurado ko naman na gagawin niya iyon.


"Libre, libre, libre" chant niya na may kasama pang palakpak. Kaagad ko siyang inirapan. Shuta.


"Dalawang ten po" sabi ko kay Manong. Mabuti na lang at hindi ako lumalabas ng bahay na walang pera sa bulsan. Kung minsan ay barya, ngayon naman ay bente.


Habang pinapanuod ko si Manong na ihanda ang taho namin ay kaagad akong nairita sa pagsiko sa akin ni Charlie.


"Maghintay ka! Shuta!" nanggagalaiting asik ko sa kanya. Pero hindi pa din niya ako tinigilan, pana pa din ang paniniko niya sa akin kaya naman mabilid ko siyang nilingon. Sinamaan ko pa siya ng tingin.

Kaagad siyang ngumuso sa akin. Mabilis akong napangiwi. "Yuck, Charlie. Hindi natin kailangan magkiss dahil nilibre kita" sabi ko sa kanya pero binatukan niya ako.


"Si Senyorito kako!" sabi niya sa akin sabay nguso ulit. Kaagad kong sinundan ang nginunguso niya. Mabilis kong nakita si Senyorito baby, nakajacket ito, naka gym shorts at runnibg shoes. May hawal din siyang tumblr sa kaliwang kamay niya habang ang kanyang atensyon ay nasa cellphone niya.


"Ang gwapo talaga. Shutapeks" daing ni Charlie. Kumunot ang noo ko, bumaling ako sa kanya.

"Saan naman nanggaling ang Shutapeks?" tanong ko sa kanya. Para kasing siraulo.

Inirapan na muna niya ako bago siya humalukipkip sa aking harapan. "Sabi daw kasi, kung gusto mo talaga ang isang bagay dapat palagi mong banggitin" paliwanag niya na hindi ko pa din magets. And so?

"Oh, tapos?" tanong ko. Gusto ko pa ng mas mahabang explanation.


Napangisi siya. Sa pagngising iyon ay nalaglag ang aking panga. Mukhang alam ko na.

"Shutapek...Shutapek...pek" natatawang sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang hinambalos sa braso.

"Ang bastos mo!" asik ko sa kanya pero tinawanan niya lamang ako. Tawa ng tawa ang shuta.



Natigil lamang siya ng iabot na sa amin ni Manong ang taho. Matapos kong sumimsim ng isang beses ay kaagad akong napalingon ng maramdaman ko ang presencya ni Senyorito baby. Diretso kaagad ang tingin niya sa akin kaya naman halos masamid ako sa sarili kong laway.


"Magan..."


"Good morning, Senyorito" maarteng bati ni Charlie. Shuta! Sapaw!


Inirapan niya lamang ako ng samaan ko siya ng tingin. Muli akong bumaling kay Senyorito baby na nakatingin pa din sa akin. Matamis ko siyang nginitian matapos kong bumusangot dahil sa aking kaibigan.


"Pauwi na po kayo ng mansyon? Tapos na ang jogging?" tanong ko pa din kahit obvious naman. Tanga tangahan minsan para magpapansin kay Crush.



The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now