"What should I do?" Maluha luha niyang tanong sa pinsan ni Roxanne. Ramdam niya ang init sa kanyang pisngi.

"If you truly sorry about it. Just respect her. She wants peace. If she accept your apology, then good for you. But if she doesn't, well, you have to move on." Nagkibit balikat si Celeste.

Marahas siyang napailing. Doon na bumuhos ang emosyon niya. Sa iisiping hindi na siya kaya pang tanggapin ng dalaga ay parang kutsilyo na unti unting pumapatay sa kanya.

Iniisip pa lang niya ay parang kinikitil na ang buhay niya. Paano pa kaya kung totoong wala na talaga sa puso ni Roxanne ang magpatawad.

"I can't!" Halos isigaw na niya ang sakit sa puso niya. Hindi niya kayang mawala sa kanya ang dalaga. "I can't.. I am used to her being around! As if my life is revolving around her! She is my life! Kapag nawala siya, ikamamatay ko."

"That's life." Walang ganang ani Celeste. "Nagiging buhay natin ang taong nagpapatibok sa puso natin. Para bang sila ang nagbibigay buhay sa atin kahit hindi naman talaga." Bahagyang natawa si Celeste. "I've been through that. Trust me, iyan palang ang simula ng sakit na nararamdaman mo. Mas masakit pa kapag kaharap mo na 'yong buhay na sinasabi mo, pero hindi mo siya magawang hawakan kasi galit siya sa'yo."

"I.. know.. I can feel that already."

"Hindi naman kami galit sa'yo. Galit kami sa ginawa mo. Para kaming mga tanga na pinakisamahan ka ng maayos tapos ikaw hindi ka naging tapat sa amin." Bakas sa tono ni Celeste ang galit. Pero hindi iyon galit na hindi kayang magpatawad.

"Akala ko kasi, hindi niyo ako mapapatawad." Napapahiyang aniya. "I know it's not me, but still. Because of me, her brother died."

"Well, technically!" Tinaasan siya nito ng kilay saka ito umirap sa hangin. "What do you expect? Alangan namang mag-party kami dahil nalaman namin kung sino ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ni Roxanne. But that doesn't mean we are mad at you forever. You did nothing wrong! Ang sa amin lang, sana ay naging honest ka."

"Paano si Roxanne?.."

"She's a handful alright. But there is noway she couldn't forgive you. Just give her  time." Bigla ay lumamlam ang mga mata ni Celeste. "Nakita ko kung paano siya nag-suffer sa pagkamatay ng kapatid niya. She took the blame. Her father blamed her for what happen. She blamed herself. Lumayo ang loob niya sa amin at hindi namin alam kung paano siya lalapitan.

"Alam namin na sa loob loob niya, kinikimkim niya ang sama ng loob niya sa amin. Ayaw namin siyang kaawaan, that would make her feel bad for herself even more. Kaya hindi mo siya masisisi kung galit siya sa'yo."

"I want to talk to her. Explain my side."

"Kung mag-eexplain ka rin pala, bakit kailangan mo pa humingi ng tawad?" Nagtatakang tanong ni Celeste. "I mean, you say sorry that's great. But to explain? For what? Para makatakas ka sa kasalanan mo?" Bigla ay nagbago ang ekspresyon ni Celeste dahilan para hindi siya makakibo.

Hindi niya alam kung bago lang ba iyon rito o talagang nakaugalian na ng angkan nila ang ganoong ekspresyon dahilan para tumayo ang balahibo niya sa bawat parte ng katawan niya.

"Never ruin an apology with an excuse."

Natigilan siya.

"Or else it won't be a sorry at all." Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.

Hindi na niya hinabol ang babae. Wala na siyang lakas na humakbang pa. Sinundan nalang niya ng tingin ang papalayo nitong bulto.

Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay napaupo siya sa sahig. Parang wala na siyang dahilan pa para mabuhay.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now