*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 1

Crazy as Truth-or-Dare

"Ellaine! Truth or Dare?"

I looked at Carla's face. She was looking at me with those big glinting eyes. Napabuntong-hininga na lamang ako. She's at it again. Alam niyang hindi ko siya tatanggihan dahil first of all, I never declined challenges. Ayaw na ayaw ko ring matalo at kung matalo man ako, hinding-hindi ko tinatakbuhan ang consequences.

"Kung ako sa 'yo, El, magde-dare ako!" ani Portia na isa pang pasimuno sa mga ganitong kalokohan.

Nagsimula namang magkekembot si Amy. "Dare! Dare! Dare!"

We're in school right now. Free cut at wala kaming magawa. Bakante man kami ng isa't kalahating oras, may sunod pa kaming klase sa ibang subject kaya hindi kami pwedeng magpunta sa malayo. Kung first year lang kami baka hindi na kami pumasok sa mga natitirang subjects pero dahil last year na namin ito sa college, kailangan naming magseryoso sa mga klase. 

"El, you're up for it?" muling pagtatanong ni Carla.

I smirked. "When did I refuse?"

And I, as stubborn and naughty in nature, chose dare.

This is not just your typical truth-or-dare that kids play. Baliw itong mga kaibigan kong 'to kaya naman mag-iisip sila ng kakaibang dare na talaga namang mahirap gawin. I've been playing their games since we were in high school. I got used to it. So used to it that I stop refusing and just go with the flow.

Kapag truth ang pinili mo, kailangan mong pumunta sa gitna ng gym habang may hawak na microphone. Tatanungin ka nila sa harapan ng madaming estudyante. Dahil madaming manonood sa 'yo, wala kang kawala. Kailangan mong sagutin ang tanong nila dahil may mabigat na parusa kang matatanggap.

Kapag dare naman, hindi ito basta-basta lang. Naalala ko 2 years ago, they dared me to make the boy from our class fall in love with me and break up with him after a month.

Simula pa noong high school, madami na kaming nagagawang dare at nasasagot na truth.

Sanay na sanay na sa amin ang mga schoolmates namin. Kahit ang mga professor ay alam ang aming ginagawa. They told us that as long as no one's getting harmed and the school's reputation is not on the line, it's fine. 'Wag lang daw kami lalagpas sa limitasyon namin.

Well, even if we did, they wouldn't know.

Inalog-alog ni Carla ang balikat ni Portia. "Omg! Ito na! Ikaw na, Portia! Ikaw ang master sa pagbibigay ng dare!"

Kitang-kita ko ang excitement sa tatlong baliw. Minsan lang kasi ako mag-dare. Madalas truth ang pinipili ko para less hassle. It's not that hard for me to be honest.

Hinawakan ni Portia ang kanyang baba habang nag-iisip. Sana ganyan din siya kaseryoso mag-isip kapag nag-e-exam kami.

"Aha!"

Sabay-sabay kaming nagulat dahil sa biglaang pagsigaw niya.

"May naisip ka na?!" bulalas ni Amy. "Excited na me!"

Hindi sumagot si Portia. Seryoso lang siyang tumingin sa 'min.

Napanguso naman si Carla. "Hey, ano na?"

Unti-unting ngumisi si Portia. "Wala akong maisip." She chuckled nervously and gave us a peace sign.

The three of us gave her a dead look.

Tinapik ko ang ulo niya. "Faster, dummy."

She pouted and roamed her eyes around the school grounds. Suddenly, her eyes lit up while looking at a certain direction. "Ito na! Ito na talaga! Look! That hottie! I spotted a hottie!" Napatayo siya sa kanyang kinauupuan. "May naisip na akong dare--a very, very, very, very perfect, astonoshing, incredible--"

Operation SeductionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!