Chapter 9

68.1K 1.2K 85
                                    

Chapter 9

Future Girlfriend

"Seriously, El? Nagconfess na sa 'yo 'yung tao, hindi mo pa sinunggaban 'yung chance!" Carla crossed her arms and glared at me like a mom scolding her child.

"Matatalo ka niyan!" sigaw naman ni Portia.

"At alam na alam namin na ayaw mong matalo." dagdag naman ni Amy.

Ipinatong ko ang aking mga siko sa lamesa at ginulo-gulo ang aking buhok. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. Saka ang bilis naman kasi ng pangyayari. Masama ang pakiramdam ko sa naging confession niya, e. Pakiramam ko pinagtitripan niya lang ako.

"Wala ka man lang bang sasabihin dyan?" pagtataray ni Portia.

I glared at her. "Ano'ng sasabihin ko? I kept thinking about it. If he's mad, it's not my problem anymore. I seriously thought about apologizing but I realized, why would I apologize? Hindi ko kasalanan na gano'n ang reaksyon ko. Sinabi ko lang naman na hindi ko siya gusto. I was just being honest."

"We're just thinking about the dare. Why are you getting so worked up about his confession? Even if it's true or not, in the end, it's all just a game. Nasa advantage ka pa nga dahil nagconfess na siya kaagad. Wouldn't it be smoother from here on out?"

Hindi ko siya sinagot. Nadinig ko na lang na napabuntong-hininga silang tatlo.

"So stubborn." umiiling na sabi ni Carla.

Tumingin si Amy sa kanyang relo. "It's time for my next class. Mauna na ako sa inyo."

Pinanood namin siyang lumakad paalis.

"Mauna na rin kami ni Portia sa 'yo, El. Portia and I have the same minor subject later." sabi ni Carla.

Tumango lang ako sa kanila. Naiwan ako sa bench sa garden ng school.

Why would I say sorry? Wala naman akong kasalanan. He's been avoiding me since he confessed. Ano naman ngayon kung ayaw niya akong pansinin? E, 'di 'wag kung ayaw niya! Hindi siya kawalan!

"Hi, Ellaine!"

Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. Nakita ko si Tristan na kumakaway palapit sa 'kin.

"What do you want?" masungit na sabi ko. Wala ako sa mood na makipaglaro sa kanya at sa mga kaibigan niya.

"Sabay na tayong maglunch." aniya habang nakangiti at hindi pinansin ang pagsusungit ko sa kanya.

Hinanap ng mga mata ko si L.Joe at iba pa niyang kaibigan pero mukhang mag-isa lang siya ngayon.

Wait, bakit ko ba siya hinahanap?

I picked up my bag and stood up. Good thing he's not here. Ang awkward kung sakali. "Alright, let's go."

Naglakad na ako kasabay niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. He looked so carefree. His brown hair was being ruffled by the wind. Nakakadala ang ngiti niyang parang wala siyang pinoproblema sa buhay. I sighed. What a pretty boy.

"Earlier, hinahanap mo ba si L.Joe?" Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

Napaiwas naman ako ng tingin. I hoped he didn't notice I was staring at him. "Hindi, 'no! Bakit ko naman hahanapin ang lalakeng 'yon?"

He laughed and patted my head. "Sige na. Oo na lang."

Tinabig ko ang kamay niya. I'm getting flustered because of what he's doing. "Bakit hindi mo kasama 'yung iba mong mga kaibigan?"

Ipinamulsa niya ang kanyang mga kamay. "May mga ginagawa sila, e. Mostly projects. Ang hilig kasi nilang gumawa the day before the deadline kaya ang nangyari, naghahabol sila."

Operation SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon