Chapter 12

6.5K 106 38
                                    

Chapter 12

This is Crazy!

Halos 30 minutes na kaming naghihintay. Habang lalong natagal, mas lalo akong kinakabahan. Siguradong kung ano-ano 'agad ang iniisip nila ngayong nandito ako sa police station. Iniimagine ko pa lang ay sumasakit na ang ulo ko.

Mayamaya ay nadinig ko na ang tunog ng kotse na papadating. Pumarada ang isang Ford Mustang sa tapat ng police station. Ugh, they're here.

Nakita ko naman si Mommy na tumakbo papasok sa loob. Nakasuot pa siya ng mahabang fur coat at pink na dress sa loob habang nakasakbit naman sa braso niya ang branded niyang bag She's also wearing her expensive jewelries.

Inilibot niya ang tingin hanggang sa magtama ang tingin namin.

"Oh my, Ellaine!" With big strides, she came to me. "My baby! Did you get rob?! Did someone molest you?! God! My princess!" Niyakap niya ako nang nahigpit.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Mommy, I'm totally fine. 'Wag ka ngang OA diyan."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin. She cupped my face and examined it. "Are you sure?"

Sasagot na sana ako pero bigla namang pumasok si Daddy. He looked a lot simpler than my mom. He was wearing a black jacket over a white shirt and black jeans but his shoes was noticeable. Halata kasing mamahalin ito. Kung si Mommy ay mahilig sa jewelries, si Daddy naman ay sa mga sapatos.

"Nasa'n ang anak ko?! Nasaktan ba siya?! Sino ang may sala?!"

"Seriously?!" I shouted. "Kumalma nga kayong dalawa. Walang masamang nangyari sa'kin."

Lumapit naman sa'min si Sir. Ocampo na hindi na napigilan pang tumawa.

Yumakap siya kina Mommy at Daddy bilang pagbati.

"Tama si Ellaine. Wala namang masamang nangyari sa kanya pero..." Bahagya siyang tumingin kay L.Joe. "Nag-alala lang ako sa kanya kaya dinala ko siya rito at tinawagan kayo para masundo siya."

Umakbay si Daddy kay Sir. Ocampo. "Saan mo naman nakita si Ellaine? At sino itong binata na kasama niya?"

Lahat kami'y napatingin kay L.Joe na nakapoker face lang at mukhang kalmado. Samantalang ako kinakabahan na nang bongga!

"Nakita ko sila sa loob ng kotse sa parking lot ng Amusement Park. Nag-alala lang ako na baka kung ano na ang nangyayari. I found out that Ellaine was the one inside together with the boy."

Pareho silang napasinghap. Dahil advance mag-isip ang mga magulang ko, sigurado akong kung ano-ano na ang naiimagine nila.

"I swear wala kaming ginagawang masama." pagdepensa ko. "We were just tired from playing around inside the park. We decided to take a rest."

Tumingin ako kina Mommy at Daddy na nakatitig lang kay L.Joe.

Did they even hear my explanation?!

Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Mommy. "Magkakaapo na ba ako?!"

My jaw dropped and my eyes widened. "Mom!" sigaw ko.

Kaagad akong tumingin kay L.Joe dahil ako ang nahihiya para sa mga magulang ko pero mukhang natutuwa pa siya sa nangyayari. His lips twitched like it was about to break out into a smile.

"Pang-ilang base, boy?" Talagang umupo pa si Daddy sa tabi ni L.Joe at umakbay dito.

"We didn't do anything like that, Sir." nakangiting sabi ni L.Joe.

Nag-snap ng daliri si Daddy. "Sayang! Dapat Home Run na 'agad, e!"

Pakiramdam ko'y sasabog na ang mukha ko sa sobrang init at kahihiyan.

Operation SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon