CHAPTER 34

39 3 0
                                    

Erin's POV

Dumaan ang Sabado at Linggo na wala kaming ginawa at ngayon nandito kami sa School at nakakikinig pero parang lutang nanaman ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ng prof namin.

"Erin..." Narinig kong tawag saakin ni Sofia.

Pabulong lang iyon para hindi mapansin ng Prof namin.

Nilingon ko siya at binigyan ng tingin na bakit.

"C.R tayo..." Aniya.

Tumango nalang ako at sabay kami tumayo at nag paalam na mag C.R lang.

"Hays... Hindi ko maintindihan yung lesson ngayon..." Sabi niya habang nag lalakad kami papunta sa kabilang dulo dahil anduo pa ang CR.

"Ayos na pala ang kotse ko kaya hindi na natin kailangan makisabay kay Kenneth..." Sabi niya kaya nilingon ko siya.

"Nasabi niya ba kung ayos na si Blaze?" Tanong ko.

"W-wala siya nasabi pero huwag ka mag alala isang Lancaster yun paniguradong ayos na siya..." Sagot niya.

Hindi ko tuloy maiwasan mag isip ngayon alam kong pagod na siya dahil solo niyang nilalabanan ang isang buong grupo at kung iisipin ko pa kung ilan sa isang araw ang pinapatumba niyang grupo mas lalo ako nag aalala.

"Alam mo ba kung saan Room nila??" Biglang tanong ko kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Alam ko...pero hays tara na nga! Dumaan muna tayo sa CR dahil hindi ko na kaya!" Sabi niya.

Napangiti naman ako dahil hindi niya ako pinigilan.

Mabilis lang kami nag CR at pumunta sa Ikatlong Floor dito sa Building namin dahil anduon daw ang room nila Blaze.

"Pwede naman natin mamaya tignan sila eh..." Sabi ni Sofia.

"andito na tayo eh tsaka sisilipin lang naman natin room nila eh..." Sabi ko.

Hindi na siya nag salita pa at tahimik kaming nag lakad sa buong hallway hanggang sa mapahinto kami sa isang room kung saan nakita ko si Kenneth, Inilibog ko pa ang tingin ko duon pero hindi ko makita si Blaze.

"Tara na baka hinahanap na tayo ng prof natin..." Bulong ni Sofia.

Wala na ako nagawa kaya sumunod nalang ako sa kaniya sa pagbaba.

LunchBreak na namin ngayon at papunta kami sa cafeteria.

"Erin! Sofia wait!" dinig ko tawag saamin kaya nilingon namin iyon.

Nakita namin si Kenneth na nag mamadaling makababa ng hagdanan.

"Pupunta kayi sa Cafeteria??" Tanong agad niya ng makalapit siya saamin.

Tumango lang kami sa kaniya ni Sofia.

"H-huwag kayo duon... Sumama kayo saakin libre ko sa labas tayo kakain!" Dire-diretsong saad niya.

Nagkatinginan kami ni Sofia at sabay na ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Huh? Bakit?" takang tanong ni Sofia.

"Basta huwag kayo sa Cafeteria... Sa labas nalang tayo kumain... Libre ko naman eh..." Ngiti ni Kenneth.

Nakakapagtaka naman kung bakit niya ayaw kami papuntahin ng cafeteria.

"Sabihin mo muna saamin kung bakit?" Tanong ko.

"Basta! Tara na!" Sabi niya at sabahy kuha ng mga bag namin at mabilis siya tumakbo.

Wala na kami nagawa ni Sofia at mabilis siya hinabol hanggang sa makarating kami sa labas, hindi naman kami hinarang ng guard.

"Hoy! Ano kaba bakit pa tayo lalayo!?" Sigaw ni Sofia kay Kenneth.

I am Inlove With a Gangster Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz