Mayroon kaming isang kasambahay para maging maayos ang bahay, lagi kasing nasa trabaho si Tito at Tita.

"Oh, Sheerina, hindi ko inakalang pupunta ka pala dito! Sana pinaghanda kita ng makakain." Sabi ni Tita. Ningitian ko lang sya, maya-maya naman ay si Tito naman ang nakita ko. Sobrang gulat ang itsura nya.

Niyakap nya ako at ganon din ang ginawa ko.

"Hindi ba't bawal kayong lumabas ng school?" Nag-aalalang tanong ni Tito.

"May permiso po ako. Hanggang bukas ho ang paalam ko." Paliwanag ko at mukhang naliwanagan si Tito.

"Tito, pwede po bang pakisara lahat ng kortina dito sa bahay?" Tanong ko kay Tito at nagtaka naman sya. Ipinaliwanag kong kasama ang mga kagrupo ko sa eskwelahan.

Ipinagutos nya naman ang sinabi ko at bumalik na ko sa van na nakapark sa garahe namin.

"Why so tagal." Reklamo ni Meridette at bumaba na.

"Anlaki ng bahay nyo ah." Namamanghang sabi ni Elliot. Hindi ko alam kung sarcastic ba to si Elliot o ano.

Inakbayan naman sya ni Daemon.

"Parang hindi ganito bahay nila Auntie." Sabi ni Daemon kay Elliot at tumawa lang ito.

Nagsibabaan na ang lahat at iginala ko sila saaking pamamahay. Ipinunta ko rin sila sa kanilang mga kwarto.

May lima namang kwarto sa bahay pero napag-desisyonan namin na mag-sama-sama ang mga lalaki sa iisang kwarto at ganoon din ang babae.

"Nag-umagahan na ba kayo?" Tanong samin ni Tita. Umiling naman ako bilang sagot.

"Halika, saluhan nyo kami." Aya ni Tita saamin at nagsisunuran naman kami sakanya.

Umupo na kami sa hapag at nagsikuha na rin ng pagkain. Marami-rami ang nakahain dahil siguro'y may bisita kami.

"How's school Sheerina?" Tanong ni Tito sakin habang kumakain kami.

"Okay naman po Tito. Kabilang na rin po ako sa top blooder." Nakangiti kong sagot na parang proud na proud sa sarili. Naibuga ni Tito ang kape nyang iniinom.

"Sabi sayo maling i-enroll sya sa paaralan na yon. Paano kung magaya sya sakanyang Ina?" Nagaalala at may halong galit na tanong ni Tito kay Tita.

"Ano po ba yung kay Mama?" Tanong ko kay Tito at hindi nya nalang ako sumagot.

"So, sino ang nobyo mo dito ha Sheerina?" Natutuwang tanong ni Tita dahilan para mamula ang mukha ko!

"Wa-wala po." Nahihiya kong sagot at yumuko. 'Tita bakit ka ganyan?'

"Talaga? Sayang naman oh, kay ga-gwapong mga bata." Puri ni Tita sa mga kasamahan ko. Napansin ko naman na panay ang ngiti ni Elliot.

"Feel na feel." Mahinang parinig ni Meridette. Saglit syang tinignan ng masama ni Elliot at ngumiti ulit.

"May pasyalan ba dito?" Tanong ni Levicarl.

"Meron. Kaso gabi pa tayo makakapunta dahil baka masunog kayo." Sagot ni Raven at lalong ngumiti ang labi ni Elliot.

"Uhm... excuse me." Tawag pansin ni Chaos kila Tita.

Ano naman kaya sasabihin ng lalaking to?

"Yes?" Nakangiting tanong sakanya ni Tita.

"Do you have chocolate drink?" Tanong ni Chaos na ubos na ang pagkaing nasa pinggan.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon