XX - Reunited

7.4K 341 75
                                    

Sheerina

Nang idilat ko ang mata, madilim na paligid ang unang nakita ko.

Gabi na pala.

Tumayo ako at tinignan ang mga kasama ko, mahimbing silang natutulog.

Pero may isang nawawala. Si Chaos.

Hanggang ngayon hindi pa rin sya nakikita?

Umupo nalang ako at tumingin sa kalangitan.

Sana ang misyon na to, matapos na.

Hindi ko akalain na ganito kahirap ang kakaharapin namin. Pero masaya ko.

Masaya ko dahil nakabuo ako ng panibagong pamilya at kaibigan.

Hindi maiwasan ng labi ko ang mapangiti.

Chaos, we will find you. Soon.











"Sheerina, gising."

"Pst."

"Ano ba yang loser na yan, anong oras na oh."

Minulat ko ang mata ko at nakita ko silang mga gising na. Mga nakatayo na sila at mukhang aalis na.

"Let's keep moving." Sabi ni Ashton. Nagtaka naman ako, keep moving?

Ah siguro para hanapin si Chaos.

Mabilis akong nag-ayos at tumayo.

Nang pagmasdan ko ang paligid, nawawala na ang kastilyo.

Siguro ay malayo na ang nararating namin.

"Ilang araw na tayong naglalakad, kailan ha tayo makakalabas dito?" Reklamo ni Elliot habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo.

Tama. Ilang araw na kaming naglalakad at iba't-ibang halimaw na ang nakasagupa namin.

May mga halimaw na kawangis namin, may mga halimaw na malalaki, meron din namang maliliit.

May tatlo ang mata, mayroon din namang isa.

Pero sa t'wing itatanong ko...

"Malapit na ba tayo kay Chaos?" Nabubugnot at napapagod na tanong ko.

Andami na naming napatay, hanggang kailan ba magpapatuloy ang ganito?

Kailangan nalang namin makita si Chaos ng makabalik na kami.

"Andito na tayo." Sabi ni Raven, tumingin ako sa tinitignan nya.

Wala akong nakikitang iba kung hindi ang isang kakaibang portal na may sampong gwardya na nakabantay.

"Teka lang, bakit tayo nandito?" Sa hindi malamang dahilan, nag-init ang ulo ko.

Aalis na kami at babalik ng hindi kasama si Chaos?

"Sagutin nyo nga ako. Nasaan si Chaos?" Madiin at inis na tanong ko sakanilang lahat.

Nang tignan ko si Mia, yumuko ito.

'A-anong ibig sabihin nito?'

"Wala na sya." Sagot ni Sick habang nakatingin sakin ng deretso.

A-anong wala na sya?!

"Hindi ba't hinahanap natin sya?" Nagugulat na tanong ko, pinipilit na huwag kumawala ang luha sa mga mata ko.

'A-ano bang sinasabi nyo? Hindi ko kayo maintindihan. A-ano bang nangyari?!'

"The moment we left at the castle, Chaos is there. Inside and alone." Paliwanag naman ni Ashton. Bakit ngayon nyo lang sinasabi sakin to?!

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon