"Sa hospital namin sa Tenejero siya naka assign, busy. Halos hindi umuuwi. ay hindi pala talaga umuuwi." Natatawang sagot ni Ashton. Tenejero? Ang layo naman, bakit sa probinsya in-assign si Frion? Paano uuwi yun eh ang layo ng Bataan?

"Bakit hindi nalang siya sa Manila? para kasama niya to?" Nginuso ko ang katabi ko na nakasimangot ang mukha habang nakatingin sa kawalan. Inaantok pa ata.

"Kulang ang neuro doctors doon kaya siya ang pinadala ko since fellow naman na siya. mga 3 months na ata since i sent him there, i plan on sending some reinforcements by the end of the year or if not then next year." I nodded, feeling a little worried about Frion. Kung bilang ang Neuro roon panigurado ay sakaniya ang bagsak ng lahat ng trabaho. Fellowship training palang siya? kakayanin niya kaya iyon?

I should visit him sometime.

"Why are you here kuya? I'm tired." Isaac scowled, Ashton glanced at me and gave me a suspicious look. Kumunot ang noo ko at agad na umiling, tinatanggi ang mga paratang niya bago pa man niya ito sabihin.

"Mom's been looking for you. Pinapauwi ka rin ni Dad bukas after ng duty mo." Hindi ko napigilan mapangiti. I guess Dethrion's okay with his family now, to the point that they're even asking him to go home.

"I don't like." Inihilig ni Dice ang kaniyang ulo sa balikat ko, at pinikit ang mga mata. Ganito ba talaga to kapag bagong gising?

"Huy bakit ayaw mo? Pinapauwi ka ni Tito Richard saka Tita Celine tapos ayaw mo?" Bulong ko at mahinang pinalo ang braso niya.

"You're not mad at our parents?" I was taken aback by Ash' question. I know na may masasamang salitang binitawan si tito sa akin noon pero hindi sapat yun para magtanim ako ng galit.

I shook my head. I was mad but not to them, to my parents. I'm sure Dice is the same. We both got mad on our own parent's but not to the latter, if anyone—they should be the one to understand us most, yet that time they're the only ones who didn't.

Or was it us? Were we too young that time and only thought of ourselves? I don't know. Maybe we're all wrong in some way.

I needed to go back home, mukhang mag tatagal doon si Ashton kaya nag paalam na akong uuwi. Isaac was against it pero wala siyang magagawa, i still had work to do.

Pagkauwi ko ay wala roon si kuya, ang sabi ay may kinailangan raw i meet.  I took a bath before doing my work, isa isa kong binasa ang physical copies tungkol sa status ng Lazuli company for the past 7 years, i also asked Lei to give me the 7 years copy before that.

To how she gets this confidential files, i don't ask.

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang income sales ng Lazuli for the past 8 years na si Uncle Luis ang nag aasikaso.. This is ridiculous.

[Yes Louie? what's the problem baby?] Bungad ng malambing na boses ni Mommy. Wala siyang trabaho kaya i could call her anytime.

"What the hell did uncle Luis do to the company?"

[Ewan ko bakit ka sakin nag tatanong anak]

"Mommy." Singhal ko. Saan natuto ang nanay kong maging sarkastiko?

[what did your uncle do?] I heard her heave a sigh before asking,

Sinabi ko sakaniya ang lahat ng nalaman ko. My family has been supporting different kinds of foundations and orphanages under the company's name and it's a part of the expenses. Kahit pa man marami kaming sinusuportahan ay kami parin ang number 1 jewelry company sa bansa.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt