51

15K 564 111
                                    


"NOT EVEN my parents knew this place!"

Sa gulat ay nabitiwan ni Dana ang diary at bumagsak iyon sa mesa. She turned guiltily to where the voice came from.

Nakatayo si Lenny sa may landing ng hagdanang pinanggalingan niya. His face grim.

"This is a very private place, Dana," he said furiously habang hinakbang pababa ang tatlong natitirang baitang.

Dana opened her mouth to speak, then closed it again when nothing came out of her throat. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. She was invading. At huling-huli siya ng binata roon. At nakabalatay sa mukha ni Lenny ang galit.

Napasinghap siya nang marahas siyang hawakan ng binata sa braso. At sa naniningkit na mga mata'y: "So I announced to the public that you are now my fiancée. But it didn't give you the right to find this place!"

Niyuko niya ang braso nito. Kumikintab iyon sa pinong pawis at lihim siyang napangiwi dahil sa tila bakal nitong mga daliri na halos bumaon sa braso niya. Mula sa pawisang sports shirt ni Lenny ay unti-unting tumaas ang paningin niya.

"Y-you're h-hurting me..." Nahagilap niya ang tinig niya sa wakas.

"You deserve more than this," galit nitong sabi subalit niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya. "Paano mong natutuhan ang lugar na ito?"

Sinikap niyang pakawalan ang braso mula sa pagkakahawak nito at nagtagumpay naman siya dahil binitiwan siya ng binata. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dana. At wala sa loob na umupo sa stool na nasa likod lang niya.

"I–I am sorry. H-hindi ko sinasadyang matagpuan ang..." Inikot niya ang paningin sa buong silid. "ang basement na ito." Tumingala siya sa binata na hindi kumikibo subalit nanatiling nakatunghay sa kanya sa mga matang naniningkit.

She cleared her throat at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "H-hindi ko alam kung paanong pumakabila ako mula sa estanteng nasa itaas. Basta na lang umikot—"

"You entered my room!" singhal ni Lenny.

He was still angry. All his life, walang ibang tao ang nakarating sa silid na iyon sa basement. He even thought na sa lihim na lagusan sa may likod ng villa dumaan si Dana at hindi sinasadyang naitulak ang pintuang bato. Tulad ng kung paano niya natutuhan iyon noong munti pa siyang bata. He was so scared at umupo sa bahaging iyon ng bato nang bumigay iyon. Bagaman habang nagkakaisip siya'y hindi niya matiyak kung paanong bumukas iyon gayong kailangan ng lakas ng higit sa lakas ng isang bata bago iyon mabuksan.

At sa likod ng isip niya ngayon ay okay lang sana kung pumasok si Dana sa silid niya, if only she had not found this place. He would have welcomed her anytime in his room... more specifically in his bed. Pero hindi sa basement na ito.

"I–I was looking for you..."

"And you got curious because you learned it was Señor Leon's room? And I could guess, inabot mo ang larawan niya sa itaas ng estante." May sarcasm sa tinig nito kasabay ng pag-iling. Hindi makuhang makapangatwiran ni Dana. Nasa tinig pa rin ni Lenny ang galit nang muling magsalita.

"Nagugulat ako sa mga bagay na ginagawa mo nang dahil lang sa curiosity mo sa grandfather ko, Dana. Mula sa panunuhol mo sa stable boy hanggang—"

"Babalik na naman ba tayo riyan?" putol niya sa sasabihin nito.

"Dahil hindi ko naiintindihan kung bakit ganito na lang ang interest mo sa Lolo!" muling singhal nito. "And I caught you reading his diary. At isiping ni hindi ko man lang nabasa iyan. That diary and this place has been kept secret to anyone for many years! At kahit ang mga magulang ko'y hindi ko matiyak kung alam ang lugar na ito!"

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon