"Ako na po ang bahala dito. Salamat po," saad ko pa. Nginitian naman niya ako subalit ang sumunod na nangyari ang mas nagpalaki nang mata ko.

"Josaiah asan na ang ulam? Ano ka ba namang bata ka, bilisan mo nagugutom na si Julia." Tuluyang umawang ang labi ko nang mula sa kusina nila ay dumating si Josaiah dala ang ham at egg na nasa platito gamit ang isang kamay habang nasa bulsa niya ang isa.

Kagaya nang laging nangyayari ay para na naman siyang nagliliwanag sa paningin ko. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform namin. Bagamat isang uniporme na puti lang iyon at black na slack.

Hindi na naman tuloy nagpaawat sa pagtibok ang puso ko ngayon na tila ba nakalimutan na nito ang sakit na idinulot ni Josaiah kahapon.

Nang makalapit siya ay umaalingasaw na naman siya sa bango. Mas mabango pa sa ham at egg na mukhang bagong luto lang. Inilapag niya iyon sa center table habang nakatingin lang sa akin. Halos mahigit ko ang hininga dahil doon.

Kalma Julia! Please kumalma ka! Walang titili! Walang titili!

"Aish! Ano ba namang pabango 'yan Josaiah." Iritadong puna ni Ate Jay.

"Papasok ka ba talaga o makikipag-date ka?" Maging si Ate Jyl ay iritado na din. Subalit hindi naman sila inimikan nito. Inalis na lang nito ang tingin sa akin matapos ay umupo sa sofa na kinauupuan ko kanina at doon dumikwartong nanood ng balita.

"Ano hindi na naman kayo pinansin?" Pangaasar nang sarili nilang Ina. Na naupo sa lapag habang kumakain nang mansanas.

"Mama iyong totoo kaninong anak 'yan?" Gigil na tanong ni Ate Jay. Pinagmasdan ko lang sila.

"Kanino pa edi sa tatay ninyo." Sabay na lang na napabuntong hininga sina Ate Jay at Ate Jyl. Natawa na lang tuloy ako.

"Kakain ka ba o tatawa ka lang dyan?" Nabaling ang tingin ko kay Josaiah nang sabihin niya iyon habang ang paningin ay nasa telebisyon naman. Bahagya pa siyang nag-cross arm.

Ako ba kinakausap niya?

"Ang init nang ulo Josaiah?" Hindi muli nakakuha nang pansin si Ate Jay. Nabibwiset na napairap na lang tuloy ang kapatid. Bigla namang humarap sa akin si Ate Jyl.

"Kumain ka na lang Julia 'wag mo nang pansinin iyang bestfriend mo na iyan." Sa sinabi ni Ate Jyl ay gusto kong mangiwi pero ganon pa man ay kumain na lang ako.

Ang alam talaga nila ay bestfriend kami ni Josaiah. Ang hindi nila alam hindi rin naman ako pinapansin ni Josaiah kapag wala sila. Dakilang plastik yata siya pero dahil crush ko siya. Slight na lang.

Masaya akong nag-agahan nang araw na iyon. Lalo nang ipaalam pa sa akin ni Auntie Myla na si Josaiah ang nagluto niyon. At dahil pareho naman ang school namin napagdesisyonan ni Auntie Myla na magsabay na lang daw kami ni Josaiah. Sumangayon naman si Mama na siyang naghatid sa bag ko at natitiyak kong balak na naman niyang makipagkwentuhan kaya ganon. Iniisip ko tuloy kung hanggang kailan naman kaya sila matatapos.

"Asan ang bike mo?" Biglang tanong ni Josaiah nang mapansing nakatayo lang ako sa may gate nila. Kabadong-kabado ako na ultimo pagbuo nang salita ay hindi ko magawa. Paano ba naman nasa basket lang nang bike niya ang letter na sinulat ko. Bumalik tuloy sa alaala ko ang sinulat ko doon.

_____________________________________

Date: June 6 2018

Name: Josaiah Lawson
Sex: Male
Age: 13

RX
        (1.) Yakapsul from me.
              Apply every minute!

        (2.) Kisspirin from me.
               Take 2x 1 day X forever

Reminder: I like you pa rin Josaiah. Kahit ang salbahe mo at tinapon mo lang ang unang prescription letter na ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang kita kagusto e salbahe ka naman.

P/s: Di kita bati ng mga two second dahil salbahe ka kahapon.

______________________________________

Napapikit na lang tuloy ako at nakagat ang labi dahil doon. Patay na talaga ako kung malaman niyang ako ito.

Naman ihh!

"Tsk! Bingi ka ba?" Doon na lang ako nagbalik sa katinuan.

"Ha?" Napabuntong hininga na lang siya na parang nawawalan ng pasyensya.

"Sakay."

Teka ano daw?

"Ha?" Sa puntong iyon ay bahagyang ikiniling niya ang ulo niya at pinagmasdan lang ako.

Teka tama ba iyong narinig ko kanina? Pinauupo ba niya ako? Totoo? Ibig bang sabihin nito ay pinasasakay niya ako sa bike niya? Sabay kaming papasok? Totoo?

Doon na nanlaki ang mata ko. Lumawak ang pagkakangiti at halos mapatalon pa ako sa tuwa.

"P-pinasasakay mo ba ako?"

"Binge nga." Turan niya pa na parang sa sarili niya iyon sinasabi. Muli siyang napabuntong hininga. "Sakay na." Sa sinabi nitong iyon ay tuluyan nang nagumapaw ang kasiyahan sa dibdib ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at umangkas na ako sa kaniya. Gusto ko mang magtitili ay pinigilan ko ang sarili. Mariin ko pang kinagat ang labi ko dahil sa pagpipigil.

"Humawak ka sa bag ko," anang niya muli. Tuluyang naglaho ang lahat nang sama nang loob ko sa kaniya kahapon. Hindi na ako umimik dahil alam kong mapapatili lang ako kaya naman minabuti kong kumapit na lang sa bag niya nang magsimula na siyang magbike.

Sa hampas nang malalim na hangin nang umaga at sa hindi pa gaanong maraming sasakyan ng kalsada ay masaya akong natupad ang pangarap kong maiangkas ni Josaiah sa kanyang bisekleta. Wala mang background music kagaya sa drama ay labis labis na ang tuwa ko dahil nangyayari ito.

I M _ V E N A

Sweet Prescription Where stories live. Discover now