I scoffed. "So dahil walang tao ay papasok na lang tayo nang walang permiso? What the fuck is that logic?"

He sighed heavily again. "Kilala ko ang may ari at may pahintulot nila ang pagpunta natin dito."

Nauna siyang maglakad kasi napako ako sa kinatatayuan sa dalampasigan. Pagalit kong tinignan ang likod niya.

"Natural na walang problema eh, girlfriend mo naman ang may ari ng mansyong 'to," bulong-bulong ko sa sarili nang makalayo siya.

Takot din naman akong marinig niya.

At dagdag pa, isa lang naman ang angkan ng mga Lopezes dito sa Panay kaya nasisigurado kong ang hinala ko.  Ang tinutukoy ni Nanay na Lopez kahapon ang may ari nito.

"Come now," he stretched his arms for me to come.

My eyes narrowed to him, still very hostile.

Hindi ko tinanggap ang kamay niya. Nilagpasan ko paakyat ng patio kaya rinig ko mula sa likod ang malalim niyang paghinga. Umupo ako katabi ng mga gamit.

Range leaned against one of the pillar with an amuse face written all over him. Hindi ko nga alam kung galit ba siya o nasisisiyahan sa inaakto niyang 'to.

"Kilala ko ang may ari rito, Saint. It's okay that we are here. Trust me," mahinahon niyang sabi sa huli, halatang kumalma na.

Kilala lang talaga, Range? Hindi mo ba sugar mommy o piniperahan?

Kagabi, napuyat ako kakaisip kung ano nga ba ang relasyon nila ng babaeng Lopez. And one brilliant reason stood out from the rest to me last night, the one that bugged me the whole freaking night, and that he uses the Lopez girl for money. Siguro'y piniperahan niya iyon para may ipangtustos sa pag-aaral niya?

Alam kong napakaimposible namam dahil ang layo sa personalidad at prinsipyo iyon ni Range. But I mean... he's gorgeous as fuck. At ang sabi ni Nanay kahapon, naghahabol sa kanya iyong babaeng Lopez. Maybe she lured him with money?

Hindi ko na rin talaga alam!

Oh, my God. Right?

"As long as it's not illegal, Range." dismissing the topic already.

He nodded to reassure me. "It's really not. Stop whinging and look at the view, at least. Hindi kita dinala rito para magmaktol buong araw."

Binalik ko ang tingin sa kanya at pinakita ang pag-ikot ko ng mata sa iritasyon. His loud chuckle echoed right after.

Tumayo ako para mas makalapit sa barandila. Sumandal ulit ako gaya kanina para mas damhin ang malamig na dampa ng hangin sa pisngi ko. Inatake ako ng pamilyar niyang amoy pagkatapos. Ramdam ko na lang ang mainit na pagdantay ng kamay niya sa baywang ko. He then held my hair to the side because the wind blew it all over the place.

Tinuro ko ang Siete Pecados. "Doon pala tayo kanina? Ang layo naman? We actually paddled that far?"

He chuckled onto my left ear. "How can you change your mood in a snap? Hindi ka na galit?"

Nilayo ko ang mukha sa kanya kaya siya natawa nang husto. Hinigpitan pa ang kapit sa baywang ko nang akmang kakalawa ako sa hawak niya.

"Hindi ako galit. Ayaw ko lang na gumagawa tayo ng bawal," binalik ko ang tingin sa dagat. "Kung sinabi mong wala namang problema. E 'di mabuti,"

Gumagaling na talaga ako sa pagsisinungaling sa kanya. Nagagawa ko nang ibahin ang sinasabi kahit taliwas pa sa iniisip ko. I deserve a fucking award for this really.

Magtatanghali na nang marating namin ang bahay nila. Gutom na gutom nga ako. Naabutan namin sina Marcus kasama sina Nanay na nagluluto sa kusina. Agad silang natahimik na tatlo sa usapan nang makita akong papalapit.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon