"Anong hindi? Marunong ako 'no!" Angal ko sa kanya kaya natawa siya. "Anong nakakatawa? Wala ka rin namang nobya ah? T'saka ayaw ko sa kanya, masyadong matangkad."


"Naku! Bagay sayo yung matangkad. Pang modelo!"


"Mas gusto ko yung pandak, yung kasiya lang sa mga braso ko." Biro ko.


"Baka gusto mo bata."


Buong byahe ay nagkwentohan lang kami ni Lance. Nang makarating ng Iloilo ay makikita mo talaga ang pagkakaiba nila ng lugar na aking kinaroroonan. Kumpara sa Manila ay kaunti ang populasyon dito. Hindi rin gaano katataas ang mga building dito, at kita pa ang mga tradisyonal na mga gawa ng mga gusali at bahay. But what really differs me is the language I am hearing from the airport to the hotel we are staying in.


"Sir, this will be your room number and key for your four days stay here. If you need anything else, you can dial room service or find us here at the reception desk. This is Paolo, he will escort you and help you with your luggage. Have a great stay."


"Mabuti nalang at english si ate ano? Sumasakit na kasi ang ulo ko sa kakaintindi ng Hiligaynon. Bakit mo nga kinuha itong project dito? Noong isang araw lang ay away mo naman kunin ito ah?" Sabi ni Lance nang makarating na kami ng assigned room namin.


"Tinaasan ang offer. Maganda rin ang location. Para ma iba naman, palagi na lang kasi condominium o bahay ang projects ko sa Manila. T'saka mukhang kilala ni Sir Kan ang kliente."


"Bakit ano ba prohekto mo rito?"


"Resort."


Inayos namin ang gamit namin at nagbihis para makakain kami ng hapunan sa labas. Isang kwarto lang kami ni Lance na merong dalawang kama, tutal parang magkapatid narin kami kasi mula noong college ay magkaibigan na kami. Isang dorm pa nga kami sa koleheyo kaya sanay na kami sa presensya ng isa't isa. Kaya heto hangang trabaho ay magkasama parin kami. Hindi na ako magugulat kung may gusto sa akin si Lance.


Napunta kami sa isang batchoy house malapit sa Plaza ng Iloilo. Si Lance na pinaorder ko kasi biglang tumawag ang kliente namin. Pagbalik ni Lance ay dala na niya ang dalawang serving ng special na batchoy, bihon gisado at anim na malunggay pandesal.


"Ano sabi ng client?"


"Ang kapatid nung kliente ang tumawag eh. Siya raw ang susundo sa atin sa hotel bukas." Sagot ko sabay abot ng isang pandesal at bahagyang binabad sa sabaw ng batchoy.


"Talaga? Ang galing naman." Sagot naman ni Lance na tutok din sa pagkain niya. Ginutom ata sa flight.


"Ang sabi nga simpleng damit lang, shorts at tsinelas lang daw ang suotin pero syempre yung presentable parin. Hindi naman tayo narito para mag bakasyon." Sagot ko sabay kuha ng huling pandesal.


"Hoy! Akin 'yan! 'Tig tatlo tayo!" Sinubukan kunin ni Lance sa akin pero mabilis kong nilayo ang kamay ko sa kanya. Kaya natamaan ko ang babae na dadaan sana kaya na tapon ang binili niya.

The Five Stages Of YouWhere stories live. Discover now