17

2.5K 153 15
                                    

Mew's POV

Andito kami sa pool nila nagpapahinga. Medyo showy ngayon si Gulf. Sweet na siya dati pa, pero nahihiya siya kapag may tao lalo na kapag nasa bahay nila.

Nakaupo lang ako sa may damuhan habang nakahiga siya sa lap ko. Maya maya may dumating na katulong para magdala ng juice at mga pagkain sa amin. Hindi siya natinag ni hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya. Ganito pala epekto ng tampo ko sa kanya. Medyo natakot ata siya ng hindi ko siya pinansin kaninang lunch. Kawawang baby.

"Baby, you want to eat first?" Tanong ko sa kanya habang busy siya sa paglalaro ng singsing sa kamay ko.

Tumango lang siya.

Inalalayan ko naman siya tumayo at binuhat siya papuntang pool lounge chair. Sinubuan ko lang siya ng pagkain kasi nakakapit siya sa katawan ko.

"Why are you so clingy today?" Natutuwa lang ako sa pagiging touchy niya ngayon.

"Why do you ask baby? Is it bothersome?"
He pouted his lips.

"Of course not, I just find you extra charming today." Parang gusto ko sabihin na sana ganito din siya sa school para ipamuka sa lalaking yun kung kanino talaga si Gulf.

Trip niya talaga leeg ko ngayon. Nakukuryente ako sa pinaggagawa niya.

"Really? This is not annoying? Your neck smells so good baby"
Napansin ko nga baby kaya hindi mo inaalis mukha mo diyan.

"You'll never annoy me, except if you're doing this with other guy "
It's hard to imagine. Even just imagining it pains me.

"Of Course, I'll never do it with anyone because you're my only baby." I just gave him a quick kiss in his lips. This good boy deserves it.

Maya maya pa inaya kami ng mommy niya ng dinner.

Habang kumakain kami ng dinner naisip ko ipagpaalam si Gulf para sa plano ko ngayong weekend.

"Tito, is it okay to bring Gulf on our overnight trip this Saturday? I assure you of his safety."

Nagkatinginan silang mag-asawa, nagulat din si Gulf sa tanong ko kasi wala siyang idea dito. Naisip ko lang ang plano na to ng nasa pool kami kanina.

"I trust you, but I'll send two bodyguards to convoy. We just want to be sure he is safe."

"No problem tito. Thank you" I smiled at Gulf and he smiled back awkwardly.

I have a plan, since we can't do it in his house, maybe a little privacy can help.

Late na ng gabi ng nagpaalam ako.
I kissed him in his lips. Isa kasi ito sa rason bakit sobrang nalungkot si Gulf, nang umalis ako kagabi without kissing him.

Gulf's POV

Pag-akyat ko para matulog, nakita ko si mommy sa kwarto ko at nakaupo sa kama ko.

I hugged her.

" Excited ka ba sa trip niyo ni Mew this weekend?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Yes mommy. This will be my first time going out of town na hindi kayo kasama kaya medyo malungkot."

"Siyempre, you're a grown up now kailangan mo din maexperience yung mga ganyang labas kasama mga kaibigan, part yan anak."

"Thanks mom for allowing me"

"Pero I need to give you protection" Sa isip ko bakit ang dami namang protection eh kasama ko naman si Mew tapos may mga bodyguards pa na ipapadala.

May inabot siya sa akin na pouch. Anting-anting ba to? Hinawakan ko parang malambot tsaka may nakapa ako na parang lotion.

"What is this mom?" Bubuksan ko na sana ng pinigilan niya ko.

"No, don't open it yet. Promise me doon mo na bubuksan. We can't tell baka kailanganin mo yan" Tinago ko to sa bedside table ko. Huwag ko muna daw bubuksan.

"Okay mom, I promise I'll open it there."

~~~~~

Nasa classroom ako ngayon ng nilapitan ako ni Sir Tul.

"Sir, pasensya na medyo magiging busy kasi ako. I think I need to quit muna"
Hindi ako makaisip ng pwede pang irason sa biglaang pag quit ko. Ayaw ko na lang talaga muna ng misunderstanding namin ni Mew.

"Why? May problema ba? Can I help you?"
Bakas sa mukha niya pag-aalala.

"No Sir, medyo personal po. Para maybe in time sumali ako ulit. I need to fix something lang po."

"Okay. Sayang lang kasi. You're a great help."

"Ohm is great also sir. He can help you."

"Okay pero anytime pwede ka sumali. Promise babalik ka ulit ha?"

"Sige po"

Sige po, kapag hindi na kayo pinagseselosan ng boyfriend ko yun na lang nasabi ko sa utak ko. Gusto ko talaga yung mga ganitong club sa school. Pero siyempre mas gusto ko na maayos kami ng baby ko.

Naisipan ko naman na sunduin si Mew sa classroom niya.

Vacant din pala sila, nakita ko na may babaeng kumakausap sa kanya.

Hindi ko muna siya nilapitan baka importante usapan nila pero mukang nakita niya ko agad.

"Baby" ang lakas ng pagkakatawag niya sa akin kaya pati mismo yung mga classmate niya na busy sa pagdadaldalan napaharap din. Umalis naman agad yung babae.
Niyakap niya ko agad sa labas at hinila papasok sa kwarto nila.

"Sino yung kausap mo baby?" Tanong ko sa kanya.

"Kagrupo ko sa report baby, dini-discuss niya lang sakin yung part ko" bigla naman siyang parang may naisip tapos ngumiti. "Bakit nagseselos ba baby ko?"

"Of course not, is there a reason to be jealous to?" Parang ang saya niya pa kung totoo ngang nagseselos ako.

"Nothing siyempre, wala ng ibang nakikitang mata ko eh ikaw lang"

"Corny mo"

"Mahal mo naman"

"Sino nagsabi?"
Bigla naman nawala ngiti niya.
"Siyempre mahal na mahal ko"
Inayos ko na agad baka kung saan pa mapunta usapan namin.

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon