''Magugustuhan pa ba nila ako?''
I bit my lip as I looked at the man beside me. I felt the soft panic that grew inside me when I thought of all the reasons not to do this anymore. Hindi na ako dapat nandito. Hindi ko na dapat ito ginagawa. But then, do I also always have to run away?
''Kailan ka pa kinakabahan sa mga ganito?'' he said as he raised his brow.
Kasalukuyan kaming nasa dressing room ng isang sikat na sunday show para magpromote ng pelikula namin. Naghanda kami ng isang dance prod at hinihintay na lang ang cue galing sa staff.
''You're the Icy Vallejo. Of course, they'll like you.'' he said and gave me a reassuring smile.
Nag-aalala ako dahil ito ang comeback project ko pagkatapos kong mawala sa showbiz ng tatlong taon. Bukod doon, ito rin ang pinakaunang collaboration ng dalawang pinakamalaking TV networks ng bansa.
VBC and ZTV are archrivals in the entertainment world. Most of the time, they're fighting to be on top. But this time, they will work together. And they'll start it with ZTV's most popular actor and me.
''You're just saying that because we're working together.'' wika ko at ngumuso.
''It's not just that. Bestfriend mo rin ako kaya syempre, biased ako'' wika niya sabay ngisi.
''Bestfriend? Says who?'' I raised my brows, teasing him.
''Grabe siya. Nagassume lang pala akong magbestfriend tayo?'' tanong niya habang nakahawak sa bibig niya na para bang naoffend siya sa sinabi ko.
''Well, duh.'' sagot ko at pabiro siyang inirapan.
Si Galen Perez ang leading man ko sa palikulang ito. Nang sinabihan ako ng management na siya ang makakatambal ko, hindi na ako nagdalawang-isip, dahil matagal na kaming matalik na magkaibigan. Naging katambal ko rin siya ng halos dalawang taon noong hindi pa siya lumilipat sa ZTV.
Umupo ako sa harap ng vanity mirror para iretouch ang make-up ko, pero nakita ko siyang lumapit. He looked at me like I did something sinful. I know that look. That means hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko amining magbestfriend nga talaga kami.
''Oo na. Bestfriend na kita'' natatawa kong sabi.
''Huwag mo nang idedeny yan sa mga interview mo. Magtatampo na talaga ako'' wika niya at pinagkrus ang mga braso.
Oh right. He saw my interview when I was asked about our real relationship. Sinabi kong magkatrabaho lang kami kaya nagalit siya. Hindi daw kasi magkatrabaho lang. Magkatrabaho at magbestfriend daw dapat.
I rolled my eyes as I remembered that. Tinawagan niya pa kasi ako noon para magreklamo. Minsan talaga, hindi ko alam kung bakit siya kinababaliwan ng mga babae. For me, he's just a crazy guy. Besides, I don't really like revealing my personal relationships to the public because they always have the wrong conclusions about it. I may be a public figure but I also have a private life to keep.
''Nagseselos na talaga ako. Ang akala tuloy ng mga fans mo, 'yung pretentious chick na yun ang bestfriend mo, pero ako naman talaga ang OG.'' sabi niya at ngumuso.
''Itigil mo nga 'yang pagnguso mo, hindi bagay sayo'' sabi ko at hindi na inalintana ang mga pinagsasabi niya.
But Galen just can't let go of this topic. Nanatili siyang matalim ang tingin sakin at pinagkrus and mga kamay.
How annoying!
''Fine! Aaminin ko na kung anong meron tayo sa susunod na tanungin ako'' wika ko at inirapan siya.
