"Bakit daw? Pausap nga." nag buntong hininga ang nasa kabilang linya.

"Nag tanong ka pa kung bakit? Sinaktan mo lang naman siya no friend?" At narinig kong sumigaw si Fiolee ng "Oo nga kapal ng mukha Marshall." Tumawa na naman si Prince at pinagsinamaan ko siya ng tingin.

"Anong dapat kong gawin para mapatawad niya?" Tumahimik sila ng ilang sandali pero pakiramdam ko nagbubulungan sila at mamaya-maya nakarinig ako ng hagikhik.

"Ahm game! Sabi niya gusto niya daw dalhan mo siya ng cookies galing sa mama niya at sayo." napakamot ako ng ulo.

"Hindi ba pwedeng cake na lang?" Nag hagikhikan na naman si Julienne at Reyly sa kabilang linya, pinagtitripan nila ako.

"Kung gusto mo daw idagdag mo na 'yun."

"Iyon lang b---." hindi nila tinapos ang sasabihin ko at binaba na nila. Teka saan ko 'yun ihahatid? Kaya sinubukan kong tawagan ulit siya pero nakapatay na ang phone nilang tatlo.

Ano ba talaga gusto nilang gawin ko?

"Dude kailangan ko ng tulong mo." tumango si Prince at naglakad na kami papuntang sakayan, 9pm na at labasan na ng mga nag tatrabaho sa opisina kaya traffic at sobrang daming bumabyahe kaya pumila kami ng katagal tagal sa sakayan ng taxi plus nag intay kami ng isang oras bago makababa at makasakay sa bus.

"Dude unting tiis na lang at makakarating din tayo," sabi ko kay Prince na halatang pagod na at inaantok na, tinapik ko ang balikat niya at binatukan niya ko.

"Kung hindi ka ba naman kasi tanga at sana eh sinuntok mo 'yung hitad na babae na 'yun edi sana walang ganito? Damay ako men eh, exam na namin bukas humanda ka pag ako hindi nakapasa." nag peace sign ako sa kaniya at niyakap siya, bromance kami ngayon at madaming nakatingin sa'min sa loob ng bus, eh sa napaka swerte ko at andito si Prince para tulungana ako eh.

Agad-agad kaming pumunta sa bahay ni tita Fionna at walang tao. Sarado ang mga pinto at bibtana, patay din ang nga ilaw kaya halatang walang tao.

"Baka tulog lang?" sabi ni Prince.

"Tara tawagin natin." sabay kaming sumigaw sa harapan ng bahay nila pero walang lumalabas bukod sa kapit bahay nilang matanda na magtatapon ng basura.

"Mga to, walang tao d'yan mamaya pang 10:30 ang uwi." sabay kaming napatingin sa isa't isa na parang papaiyak na.

Napaupo ako sa gate nila at napasapo sa ulo ko, tumabi si Prince sa'kin saka nilabas ang phone niya.

Mga 10:35 nga at dumating si tita Fionna, na gulat siya at niyakap kami saka nakiusisa sa mga nangyari, lahat naman ay pinaliwanag ko sa kaniya kaya naintindihan niya agad at hindi man lang na galit.

Pinag sabihan niya lang ako na sana wag na maulit at 'yun nag umpisa na kami mag bake, nahihiya nga ako sa kaniya kasi alam kong pagod na siya dahil kakauwi niya lang galing sa trabaho niya tapos ito kami mang gugulo at papagudin siya.

Dalawang klase ang ginawa namin, isa gawa ko at isa naman ay gawa ni tita Fionna. Habang kami pagod na pagod iyon si Prince nakahiga sa sofa at nanonood ng warm bodies.

Natapos na kami at pinakain muna kami ni tita sa bahay nila, nag paalam na ko at niyakap siya.

"Tita salamat talaga, promise sasapakin ko kung sino man ang gumawa ulit sa'kin nun." napatawa siya at tinapik ako.

"Wag naman babae pa rin 'yun." ngumiti siya at timingin samin.

"Osiya babye mag iingat kayo ha." humalik kami sa pisnge niya at sumakay na kay Jasper, kanina ko pa sila tinawag nila lolo James para naman maihatid kami at isa pa wala na rin kasi akong dalang pera para pamasahe pabalik balik.

Pumunta agad kami sa bahay nila Julienne at nahirapan pa kami makarating doon dahil nga sa hindi ko naman talaga alam ang bahay nito, pero ang pinaka masaklap ay wala daw si Julienne sa bahay nila ngayon at sabi eh makikitira sa kaibigan nitong si Reyly.

Pakiramdam ko eh sinakluban ako ng langit at lupa sa nalaman ko, dahil kanina pa kami pabalik balik eh ang totoo naman pala eh nasa Manila lang din silang tatlo.

"Bakit Fiolee bakit?" Parang pasan ko ang daigdig habang nakatingin ako sa daan pabalik sa manila, malamig na ang mga cookies at dala ko na rin ang cake na binake ko kanina.

"Kaya mo 'yan malapit na tayo kala Reyly," sabi ni Prince na halatang antok na antok na.

Nang makababa kami sa bahay nila Reyly ay agad akong kumatok sa malaking bahay nila, may maid na nagbukas sa'kin at alam kong bampira ang mga ito kaya agad nilang tinawag si Reyly pababa.

"Ow na hanap mo kami? Kaso tulog na ang prinsesa mo," sabi niya habang pupungas pungas at naka pantulog pa.

Halos manlambot ang tuhod ko, umupo ako sa tapat ng pinto at inilapag lahat ng bitbit ko. Naiiyak ako, bakit niya ko kayang tiis ng ganito? Hindi ko naman sinasadya 'yun at isa pa mahal ko siya dapat may tiwala siya sa'kin.

"Mabuti pa bumalik ka na lang bukas or sa school mo na lang dalhin 'yan," sabi ni Reyly at na amoy ko ang dugo ni Julienne kaya lumingon ako sa loob ng bahay, nakita ko siyang pababa ng hagdan at may hawak pang unan.

"Ey Marshall thank you sa midnight snack." kinuha niya 'yung basket na dala ko at umakyat na sa taas.

Tumayo ako at lumapit kay Jasper.
"Iuwi mo na si Prince Jasper salamat," sabi ko at kinatok ko ang natutulog na si Prince sa loob ng sasakyan.

"Ikaw dude?" Umiling ako at nag thumbs up sa kaniya.

"Salamat." tumango siya at umandar na ang sasakyan papalayo sa bahay ni Reyly.

"Mag iintay ka dito?" Tumango ako.

"Mayroon pang isang guess room dito," sabi niya pero umiling ako.

"Dito lang ako sa labas hanggang siya mismo ang mag papasok sa'kin," sabi ko at umupo ako sa tapat ng pintuan nila Reyly. Mukhang na awa siya sa'kin at pumasok na siya sa loob.

Kung ito ang paraan para mapatawad niya ko ayos lang.

Tutal kasalan konaman talaga 'to eh, kung ito ang kabayaran ayos lang, maghihintay ako hanggangsa mapatawad niya ko. 


TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineOnde histórias criam vida. Descubra agora