HANGGA'T MAY ISANG MANANATILI

76 12 0
                                    

2019

Hindi naman talaga sinungaling ang puso.
Hindi lang talaga ito maintindihan minsan.
Minsan na naging kadalasang di maipaliwanag ang nararamdaman.
Mga bakit ay 'di man lang mabigyan ng dahilan.

Kaya ikaw ay magbunyi kung binigyan ka Niya ng taong handang umintindi.
Sa mga panahong ang lungkot ng iyong mga sandali.
Yung taong pasensya ay 'di mo masukat at mawari.
Nanatili at pinipili manatili ng walang pagkukunwari.

Hangga't may isang mananatili
Tuloy lang kahit masawi
Kapag wala ng mananatili
Manatili ka para sa sarili.

Kapag wala na sa'yong iintindi;
Intindihin mo ang iyong sarili.
Kapag iiwan ka na ng lahat, ngiti;
Sapagkat may isang mananatili.

Your_Unknown_Writer

Mga Nahabing Tugmaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें