After that, we went back to our class. I don't know how to cooperate with some anymore. Nasakop agad ang isipan ko ng posibleng mangyayari mamaya. To think that I'm not expecting for myself.

Alam kong hindi magaling ang nagawa ko. I started loving the guitar after having our couple of practices. At sa pagmamahal ko sa instrumentong iyon ay hindi nasusukat kung masasabi ko na bang magaling na talaga ako.

I really don't have a talent when it comes to instruments. I love music but not them. And it all turned out this way. Na iyong bagay na hindi ko aakalaing magiging parte ng buhay ko.

And Enzo was the entire reason for that. He encouraged me to do my best. Alam kong kahit na mahirap akong turuan ay nagtiyaga siya para sa akin.

Dumating ang hapon. We patiently waited for the results. Nakaupo kami sa isang bench habang matiyagang naghihintay.

Reese is busy with her phone. Tahimik akong nakaupo kahit na naroon pa rin ang kaba sa akin.

"What if hindi ako makapasok, Reese? Do you think I can meet Isaac?"

Tumigil ito sa ginagawa.

"Oo naman. If our plan didn't work on this, there are still other ways. Sa concert nila o 'di kaya kapag nakapag meet and greet na sila. We can do anything."

"Siguro masyado lang akong naadik kay Isaac kaya gustong-gusto kong makausap at malapitan ulit."

Binatukan niya ako. I groaned because it hurts!

"Tanga. Alam mo namang gusto mo lang 'yong tao. Normal lang 'yan. Huwag kang mawalan ng pag-asa."

"Eh kasi parang alam mo 'yon? We tried everything for them. Tapos minsan pahirapan pa tayo para makalapit sa kanila."

"Ang OA mo. Sabi na ngang huwag sumuko. Dadating din tayo dyan. 'Di ba nakasabi na sa'yo si Enzo?" tumango ako. "Oh edi 'yon ang panghawakan mo."

"Eh paano nga kung hindi ako makapasok? That means we can't interact that much. Ayoko rin namang kumausap sa kanya kapag hindi ako nakapasok rito."

"Girl? Ang OA mo, seryoso. Alam ko namang si Enzo 'yon pero hindi mo ba nakikita? Bukod sa kasamahan niya rito sa club, ikaw lang din ang kinakausap niya sa campus tapos sasabihin mo ganyan?"

Napatingin ako sa kanya, hindi alam kung ano ba talaga ang ipinupunto.

I know that. Na kahit dito ay mukhang ako lang ang kinakausap niya, aside from his co-members.

"Saka hindi ka naman niya fan pero nakapasok ka sa condo at nakapanood pa ng laro niya. Oh 'di ba? Kaunti na lang masasabi kong may gusto sa'yo 'yon." I frowned and then didn't mind what she said. Paano naman magkakagusto sa akin ang isang 'yon eh laging seryoso sa buhay?

I can't say that we're friends just because of that tutorial. Masyadong mababaw na dahilan para masabi kong ganoon na nga kami.

They posted the paper which contains the official members. Ang daming pumunta kaagad doon dahilan kung bakit naging maingay ang paligid.

Tumayo ako, sinabayan si Reese na nakipagsiksikan doon upang alamin kung nasali ba ako. I slowly read each names written on it. Hindi ko nabasa ang pangalan ko doon.

I read the last name written. Natigil ako saka napakurap ng ilang beses nang mabasa doon ang pangalan ko.

20. Tania Shiraz De Acosta

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now