CHAPTER 15

100 25 12
                                    

"Huh? Ahh---I'm looking for you." sagot ni Bella.

"Why?"

"I heard what happened earlier... kakamustahin lang sana kita, pero mukhang okay ka na. Una na ko..." hindi ko na siya tinanong at hinayaan ng lumabas.

Pumasok na ako at naghanap ng maiinom. What the hell was that? Should I confess? Nababaliw na ba yon
Pagka-kuha ko ng bote ay hindi ko ito mabuksan. What's wrong with my hand? Ilang beses ko ng sinubukan 'to pero hanggang ngayon ay hindi ko kayang magbukas maski bote ng tubig.

Napalingon ako sa pinto dahil sa magkakasunod na katok doon, nakangiting lumapit sa akin si Tristan na nagpalit na ng suot nya.

"Pwede na bang pumasok?" tanong nya pa kahit naglalakad na siya papasok.

"Pag sinabi ko bang bawal, lalabas ka?" sabay nalang kaming natawa.

"Nagpalit na ako ah? Hindi mo naman na siguro ako pagkakamalang masamang tao, sa gwapo kong 'to?"

"Alam mo, ang yabang mo. Gwapo your butt." pang aasar ko sa kanya. Muli kong sinubukan buksan ang bote pero hindi ko pa rin magawa.

"Wow..." taka akong napalingon sa kanya. "Ang isang Itzayana, nahirapan mag-bukas ng bote." pang aasar niya pabalik.

"Tsk," binato ko sa kanya 'yon at nasalo naman niya. Siya na ang nagbukas at binigay sa akin. "Nasaan sila Dad?" tanong ko matapos uminom.

"Inaasikaso yung bill, pwede ka ng umuwi bukas."

Tumango nalang ako.

" 'Di ba wala ka pa naman trabaho?" hindi ko inaasahang tanong niya.

"Eh ano naman? Kailangan ipamukha?"

"Hahaha! No, It's not that. Kung gusto mo lang naman, mag-try maging curator. Two years contract 'yon." napaisip ako sa sinabi niya.

"Saan?"

"Sa Italy, kapag natapos mo 'yon pwede ka ng mag apply sa mga gallery dito. Wag ka mag alala, sagot kita. Kailangan lang talaga ng participants." pangungumbinsi nya pa.

"Artist ang pangarap ko, hindi curator ng gallery."

"It's still connected in arts. Come on. Wala naman masamang mag-try eh hindi ba?"

"Pag iisipan ko," sabi ko na lang para matapos na ang pangungulit niya.

"Gutom ka na ba? Gusto mong kumain?" ngumiti ako sa kanya at nag-thumbs up bilang pagpayag. "Tsk..tsk..tsk...matakaw ka pa rin pala?" babatukan ko sana siya pero nakaiwas na siya agad.

"Si Arley?"

"Nauna na, sinundo lang talaga kita dito."

Hinintay niya muna akong makapagbihis bago kami umalis sa Hospital. Naka hoodie ako at binigyan niya din ako ng salamin para hindi ako makilala.

"Oo nga pala, Madie. Kinakamusta ka ni Proffesor Frio." si Arley sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Tsaka yung offer niya sayo, pinapasabi niyang naghihintay pa rin siya ng sagot mo."

"Offer?" singit naman ni Tristan.

"Oo, gusto nyang mag exhibit ng mga artworks ni Madie. Lakas maka-sikat 'di ba? Artist Madieson Itzayana~" pakantang sabi niya pa, napailing nalang ako at kunwaring walang narinig. "Kita mo na? Ang daming nag o-offer sa kanya pero ayaw niyang tanggapin at kina-career nya ang pagiging jobless woman hays...anyway, may goodnews pala ako."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon