Chapter Sixty-One: The Northern Key of the White Dragon

Magsimula sa umpisa
                                    

"OH SHIT!" mabilis na hiyaw ni Feyre nang makita ito.

"OH SHIT!" sigaw ni Aisling nang makitang malapit na ang lupa.

But before we could meet death by hitting the ground or being eaten by the Meldorovina, naramdaman ko na lang ang sariling lumilipad. Tumama ako sa isang malambot na gumagalaw na bagay.

Napakurap-kurap ako nang makita kung ano iyon. A dragon! Nakasakay ako sa isang dragon!

Acrasia seemed to have noticed my expression because she chuckled. "Yes, Rev. This is my dragon, Ace, wind-type and the fastest dragon in the continent."

"What the..." hindi ko makapaniwalang wika.

Tumingin ako sa tabi naming dragon din at nakita ko ang ibang kasama doon. Rase is controlling the reddish dragon. Napangiti ako nang makitang maayos lang sila, ngunit agad iyong nawala nang makita ang nasa likod ko.

The Meldorovina is still chasing us!

"Ace! Let's go find a cave to hide!" sigaw ni Acrasia sa dragon.

It answered with a shriek and flying even faster. Ilang sandali lang ay nakakita kami ng pagtataguan. Rase's dragon landed next to ours and all of us kept quiet, doing no movements at all.

Ang pagyanig ng lupa ang naging pahiwatig na dumating na ang dragon. Her every step shook the ground and made the forest dance. The place grew colder with snow now forming on every leaves, it's ice dripping into the ground. Now there's a reason why she's the queen of the dragons, even the nature bows down to her.

Gumawa ito ng ingay na nagpagalaw sa mga dragon. It was almost a cry, something that should be answered or not.

"She's trying to find us by controlling them," sabi ni Acrasia.

"She holds a grudge ah..." sagot ni Feyre.

"We just destroyed her home and nest. Who wouldn't?"

"Oo nga po pala. Ano po ba ang ginawa niyo-"

I shushed Minerva when I saw the dragon glanced at our direction. Natigilan ako nang makita itong papunta sa amin. Its head tilted and the chest heaved as it tried to prepare for an attack. Tumingin ako sa mga kasama sa sobrang pagpapanic at nakita silang nagpapanic din!

"Meow..."

We were out of plans when Feyre just bursted into a cat sound! Kahit siya ay nagulat sa ginawa.

When the dragon stopped, I urged her to continue. Sinamaan niya ako ng tingin bago nagpurr na parang pusa talaga. She continued it until we heard a crying sound. I saw the dragon's head perked up and she left us to go to the cave.

"It's her babies. They're looking for her," sabi ni Acrasia at kalauna'y ngumiti kay Feyre. "Good job! Didn't know you were a hybrid."

Feyre glared at her. "Shut up. Akala ko ba kaibigan mo 'yon, bakit malapit ka nang patayin?"

"Gusto niya lang magyabang," ani Rase. "She's the dragon's yaya."

Malakas na tumawa si Feyre. Talagang nahulog pa ito sa sinasakyang dragon dahil sa pagtawa.

"Kahit pala ang tawa mo parang sa pusa, 'no, pusa?" komento ni Hex.

Feyre immediately went serious. "Tumahimik ka, soro. Akala mo havey na ang joke mo? So sad ka naman at flop iyon."

"Sabihin mo sa'kin 'yan kapag ibinalik mo na ang ninakaw mo."

Talagang nawalan na nang sumbat si Feyre kaya iniba niya ang topic. "Sino ba ang may pakana ng lahat ng ito?! Ano ba ang ginawa niyo sa nest?"

"We didn't do anything. We haven't even touched anything," naningkit ang mata ko. "Pero hindi ba sa inyo ang problema? It appeared on your side!"

"Did you take something?" seryosong tanong ni Cord.

"I took some diamonds but it's nothing. I always bring diamonds out and it never angered her." sagot ni Acrasia at ipinakita ito. Rase and Cerami nodded in agreement.

"Kinuha ko po ang key para sa quest natin." sagot ni Minerva.

She held out a plain golden key with three teeths or ridges. Para itong susi na ginagamit para mabuksan ang isang treasure box.

"What is that?" tanong ni Rase.

"The key for our quest? Nakalagay ito sa dragon po tapos sabi niyo po ang key with the dragon diba po?"

"I meant a key decorated with a dragon," sagot ni Cord at sinensayasan akong ipakita ang susi. "Like that. And besides the key should be inside the nest."

Namula si Minerva at agad niyang itinago ang susi. "Sabi po ni Ate Feyre kunin ko na lang..."

"Sinabi ko 'yon?!" nanlaki ang mata ni Feyre.

"Sabi po ni Ate Feyre may dragon naman daw so kunin ko na lang dahil what could go wrong po..."

"May sinabi akong gano'n?!"

It sounds like Feyre but she acts so betrayed right now so maybe hindi niya talaga ginawa.

"Hoy Voldmir! Sabihin mo sa kanila na wala akong sinabing gano'n!"

Tumingin lang sa kaniya ang lalaki. "May amnesia ako. Nakalimutan ko na."

"A-Anong amnesia?! Paano ka nagka-amnesia?! Wala akong sinabing kunin niyo!"

"We should go now," seryosong tugon ko. "We still have to go to the Western Continent to fetch the second key."

Tumango sila at nagsimula na kaming maglakad paalis habang hindi pinapansin si Feyre.

"So you're leaving North?" ngumuso si Acrasia.

"I'll come visit here." ngumiti ako. "Parang hindi naman tayo magkikita sa school."

"If only I could leave..." makahulugang tumingin ito kay Rase.

Umiling ang babae. "I'm not going to take all your responsibility just so you can have fun-"

"All right! All right!"

Natawa ako nang makita ang pagsisisi sa mukha ni Acrasia. She's not even doing her guild leader responsibilities and she wants out already.

Speaking of guild, ang dating deputy ko ay nasa likuran pa rin at sumisigaw.

"Hoy! Hindi ako kailanman nagsabi no'n! Bakit hindi niyo ako pinapansin?! Ha! I know, you believe her words? Naniwala kayo sa sinabi ng batang 'yon?! I never did told her to get the key! I promise! Hoy- walanghiya huwag niyo akong iwan- OI WAIT, HOY GURANG PASAKAYIN MO AKO DIYAN SA DRAGON- ARGH! HINTAYIN NIYO AKOO!"

____________________
-chapter end-

▪▪▪

[UPDATE]:

1. Make a legacy with the Oddcredibles.

2. Show Hiraeth his real path.

3. Kill the king.

4. We're going West!

5. Make a wish to the magus.

▪▪▪

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon