"At isa pa, nagtatagalog din sila" habol niya gamit ang lenggwaheng tagalog, nilingon niya naman ang tatlo, masama lang nakatingin si Alexander saamin habang si Caerus nakakunot ang noo at si Ashton naman tumango tango na para bang yung mga laruan na aso at pusa na tumatango.

"Nagtatagalog naman pala bakit mo pa ako isasama?" taas kilay ko, lumingon pa ulit ito saakin, sobrang lapit na ng mukha niya saakin parang kulang nalang halikan niya ako.

"I miss you okay?."

"Let's go" natigilan naman kami ng mag salita si Alexander, napaayos ng tayo si Justine pero yung kamay niya naka akbay padin saakin.

"Hoy Wendy!" sabay naman kaming lahat napalingon sa tumawag saakin.

"Wendy pangalan niyo lahat?" iritang sabi ni Amethyst, ayan nag susungit na naman ang gaga. Minsan hindi ko talaga maintindihan kung ano ugali nito araw araw.

"Hindi pero Amethyst pangalan ng magiging girlfriend ko" tumaas naman ang kilay ko nang sabihin yun ni Ashton, lumapit pa ito kay Amy at inakbayan, ang gaga umiba naman ang ekspresyon sa mukha, mabilis naman itong namula kaya umiling na lamang ako.

"Let me remind you everyone! Spanish only!" sigaw naman ni Caerus, naka hawak pa ito sa bewang niya habang inisa isa niya kami ng tingin.

"Ha? ano daw Bri?"

"You can only talk in Spanish so Caerus will understand you" tamad kong trinanslate sa Italiyano ang sinabi na Spanish ni Caerus.

Magiging translator pala ako dito!

"Let's talk in english" suhwistyon naman ni Alexander pero kinunotan lamang siya ng noo ni Caerus, sabay naman bumagsak ang balikat namin dalawa dahil sa tingin niya halatang di din naintindihan.

"Whatever" tamad na sabi ni Alexander, umiling na lamang akong sinundan ng tingin si Alexander na nauna ng mag lakad, tumakbo naman si Caerus palapit sa kaibigan at inakbayan niya ito.

Sumunod sa kanila si Ashton at Amethyst, sinulyapan pa ani ni Amy tumango na lamang ako, may magagawa pa ba akong pumalag? alam kong hihilain lang ako ni Justine kung hindi ako papayag.

May kanya kanya naman kaming usapan, kinukulit ni Caerus si Alexander habang si Ashton naman nakikipag tawanan kay Amethyst.

"Hindi mo talaga ako sasagotin Justine?"

"Huh sinagot na kita noon pa ah? gusto mo bang mag pakasal tayo?" inosente nitong sabi, akmang ko sanang hampasin ito mabilis itong tumakbo kaya naman hinabol ko ito.

"Come on babe!" sigaw niya.

"Dagdag sakit sa ulo ka talaga" mahina kong sabi habang hinahabol ko ito pero napatili na lamang ako nang may humila saakin at nabanda ako sa katawan niya.

Inangat ko naman ang tingin ko at nakita ko si Alexander, mabilis ko itong tinulak ng mahina para malayo saakin.

Nilagpasan na kami ni Ashton at Amy, tinapik pa ni Ashton ang balikat ni Alexander.

"Bakit ba hilig niyong hilain nalang ako!?"

"Bakit saakin ka nagagalit?" taas ang dalawa niyang kilay na parang nakakapag taka yun.

"Gago malamang ikaw yung humila! alangan naman sa sarili ko ako magalit?" inirapan ko naman ito.

"Bakit kay Justine di ka nagalit?"

"Ha?" nag tataka kong sabi pero nilagpasan niya lang kaya I make face to mock him before I face his back and silently following him.

Nakababa na kami, andito na kami sa field, sinilip ko pa si Justine pero naka akbay na ito kay Caerus.

"Nagkakaintindihan kaya sila?" mahina kong sabi habang sinusundan lang sila ng tingin, akala ko ba kaya niya ako sinama dahil ito ito marunong mag Espanyol? bakit ngayon nakaakbay na ito sa Espanyol?

"Aray!" reklamo ko naman ng mabangga ako sa likod ni Alexander, mabilis ko itong hinampas, nakita ko naman ang mabilis niyang kamay na napahawak sa parte kung saan ko hinampas.

"Bakit ka ba tumitigil? straight lang yung daan! di naman pababa!" masama ko itong tinignan nang lumingon saakin na nakalukot ang mukha dahil siguro sa hapdi ng pagkahampas ko.

"Puputolin ko talaga kamay mo, akala mo naman ang gaan gaan ng kamay." hinila niya naman ako patabi saakin.

"Bilang isang Kyril dumadapo talaga ang tingin ng lahat pero parang sosobra yun ngayon dahil isang Alqueza sinusundan ako.

"Hoy ang kapal mo!" hahampasin ko pa sana ito pero mabilis siyang lumayo saakin kaya napairap na lamang akong naunang maglakad, iniwan ko ito.

Ang kapal naman ata nh mukha niya kung sinusundan siya ng isang Alqueza! huh! us!? following a Kyril? huh? who? us? Alqueza? why should Alqueza follow Kyril?

"Hoy hintayin niyo ko! ayaw kong kasabay to!" sigaw ko naman pero ang napalingon lang ay si Ashton at Amy, lumagpas pa ang tingin ni Ashton saakin bago niya kinausap si Amy at di ako pinansin, nag patuloy lang ito sa pag lakad.

I scoff because of the irritation I felt! high blood ata ang dating ko nito! or di kaya mabilis akong tatanda!

His Unconditional Desire (on-hold)Where stories live. Discover now