"I was with a friend. So why were you here instead of the Cultural Center?"

Friend, tama nga ako. At least, he didn't deny it straight to my face, right?

Sinagot niya naman pero siyempre, kulang iyon para sa akin. I'd like to ask him more like, what is her name or why was she driving him. Marami pa, takot lang ako lalo't ayaw niya namang sagutin minsan. But if she indeed wasn't important to him, then okay. Siguro talagang kaibigan niya lang at ako lang ang nagbibigay malisya.

"Friend?" pagtaas ko ng kilay.

"Yes, a friend.." agaran niyang sagot. I'm so sorry you lost the contest," agaran niya ring pagbago sa usapan.

Nababaliw ba ako o talagang ayaw niya akong sagutin ng deritsahan?

"Ayos lang na talo. Ano ka ba, hindi mo kasalanan kaya ba't ka mag-so-sorry?"

Pinagsalikop niya ang kamay namin bago tumayo. "Can I take you on a date now?"

Tumango ako at nagpahila sa kanya pataas.

Pilit kong inaalis ang negatibong naiisip lalo't ayaw kong mas masira ng tuluyan ang araw ko ngayon. Kung sinabi niyang kaibigan ay dapat wala na akong pagdududa pa. Iyon nga lang, halata sa pagkatahimik ko ang lalim ng iniisip.

Moments later, narating namin ang IBP. Una akong bumaba ng taxi at kanina pa talaga walang kibo. Pasalamat din akong natalo kami sa folkdance at may irarason ako kung ba't ako malungkot.

Hell, I care about that contest anyway, but hell, I do care about that girl who dropped him off earlier.

Para akong binubulangang mas alamin ang lahat patungkol sa babaeng iyon. Maybe, I really should?

Kalagitnaan na ng movie pero ang atensyon ko ay nasa kanya lang mula pa kanina. Dahil na rin siguro na maraming bumabagabag sa akin patungkol sa kanya. It's feels as if... I know nothing about him at all because he isn't letting me in. Na pang may matayog na pader na pumapagitna sa amin kahit ang lapit-lapit ko na sa kanya.

Hindi ko maintindihan ang sitwasyon namin.

"You are staring too much, Saint. What's the problem?" he asked in a low voice.

"Uh, nothing. Walang problema," pag-iwas ko ng tingin sa screen.

"Sigurado ka?"

Tumango ako at tumahimik na naman. Rinig ko ang buntonghininga niya. Laking pasalamat ko talaga na natalo kami kanina kaya rin siguro ay hindi niya ako kinukulit dahil akala niyang malungkot ako sa pagkatalo.

Parang makina ang isipan ko kakaisip kung paano ko nga ba magagawan ng paraan para mahanap iyong babae. Willow can help, yes, but if I ask help from her, malalaman no'n na naghihinala ako kay Range na may babae. That's the last thing I want from this, so no, not gonna go with that option.

Umayos ako ng upo nang patapos na ang movie. Medyo kakaiba na yata talaga ang pagkatahimik ko para sa kanya dahil kanina ko pa nahuhuli ang pagbayda niyang magsalita.

"It's okay to lose, Saint. May next year pa naman. Usually in these competitions, the judges would really prefer the higher batches to win," sa wakas ay nasabi niya ang gustong sabihin.

Parang kanina pa talaga siya nagpipigil ng dila.

Tumango ako. "Yes, I understand, but it was still upsetting,"

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon