Chapter 1

56 2 0
                                    

 Nung panahon ng digmaan tatlong tao ang naging kilala dahil sa pambihirang lakas at galing sa pakikipag laban. Ilan sa mga Raja(pinuno ng bayan) ay nakalaban na nila, kaya sila sumikat. Wala ring nagtangkang kumalaban sa kanila. Kaya patuloy lang ng nagpatuloy ang pagtataguyod nila ng kapayapaan sila ay tinawag na "TATLONG RANIN" 

Matapos makipag laban sa isang grupo ng kalaban ay pansamantalang nagpahinga ang Tatlong Ranin

"Akil huminto muna tayo gagamutin ko lang si Pablo. Masyado na syang duguan delikado kung magpapatuloy pa tayo" ang sabi ni Isable kay Akil

"Wala na tayong oras mamaya mo na sya gamutin masusundan na tayo nang iba pang kalaban"

"Pero delikada para kay Pablo kung mauubusan sya ng dugo" 

Wala nang nagawa si Akil sa kagustuhan ni Isable na gamutin si Pablo. Habang ginagamot ni Isable si Pablo ay dumating ang mga kalaban 

"Buysit!! naabutan na nila tayo" inis na sabi ni Akil "Mauna na kayong dalawa ni Pablo pipigilan ko sila"

 "Pero pano ka?"tanong ni Isable

"Ang misyon natin ay madala ang impormasyon sa mahal na Raja. Wag nyo na akong intindihin"

Hindi na pinag salita ni Akil si Isable. Kinontrol nya ang buhangin niya para dalin ang dalawa sa labas nang kuweba at hinarap nya ang mga dumating na kalaban

Samantala... Nang makarating na sila Isable at Pablo sa labas ng kweba ay may nag aabang pala sa kanilang mga kalaban din. Pero wala paring malay si Pablo

"Wala na kayong takas saamin. Tatlong Ranin" sabi ng isa sa mga kalaban

"Hindi nyo kami mapipigilan. Makakarating sa aming Raja ang pag tataksil ng bayan ninyo sa amin" inis na sabi ni Isable 

Ifinocus ni Isable ang kanyang enerhiya sa kanyang mga kamay at bumuo ito ng kulay ginto na enerhiya na hugis ulo ng tigre

"Ayan ang Tiger Fists, pero sa dami naming ito kala mi mapipigilan mo kami lalo na't walang malay ang kasama mo"

 "Wag niyo akong mamaliitin"

 

Agad na umatake ang mga kalaban papunta kay Isable pero wala sa kanila ang makatapat sa lakas ni Isable kalahati nang kalaban ay nabugbug na. Lumutang naman ang mga bato na galing sa isa sa mga kalaban at patungo iyon kay Isable pero nadipensahan ni Isable ang lahat  ng iyon gamit ang kanyang Tiger Fist at mabilis naman na nakalapit si Isable sa mga kalaban

 

 "Napaka bilis niya" gulat na tanong ng kalaban

   

"Wag nyo akong mamaliitin" galit na sabi ni Isable

        

Matapos mapatumba ni Isable ang mga kalaban ay agad nyang binalikan si Akil sa luob ng Kweba. Nang makabalik sya ay nakita niyang nakatumba na ang mga kalaban kalat-kalat na rin ang dugo at buhangin sa paligid. Dahil sa pagod ay nakaluhod na lamang si Akil

MartialsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora