He taught me slowly until I memorized it. Ang kaso, bigla kong nakakalimutan kapag nasa bahay na.

"Pwedeng magtanong?" Tumigil ito.

"You went here for practice, not for your curiosities. Save that for later. You should practice more." Napasimangot agad ako. Lagi naman kasi akong tinatapunan ng seryosong sagot.

Magtatanong lang, eh.

I tried strumming the guitar, playing the chord he taught me earlier. Agad na naman itong tumigil, nangunot ang noo saka napabaling sa akin.

"Mali. Sabi na ngang diinan, eh," he scolded me. Itinabi niya iyong gitara saka lumuhod sa harapan ko at ibinigay ang atensyon sa kamay ko.

"Dinidiin ko naman. Baka sa gitara talaga 'yong may problema. Sa akin mo sinisisi palagi," I fired back and harshly strummed again. Napakamot ito sa ulo saka naman hinawakan ang mga daliri ko at idiniin iyon.

"Your fingers are doing it wrong. Hindi masyadong madiin ang ginagawa mo. Give some force. Huwag mong masyadong lambutan."

"Okay po."

And he let me tried it again. Iyon naman talaga ang nagiging problema niya sa akin. Sa diin. Laging iyon ang napupuna.

"We've been playing several chords and yet, you can't play without having some mistake. Paano ka makakapasa niyan? Tss."

"Oo na. Sinusubukan na nga, oh. High blood mo naman. Lalo kang pumapayat."

Napatingin siya sa sarili. Napangisi ako.

"Stop giving some attention to my body."

I ignored him and tried playing the chords again and again until I already got familiar with it. Pagkatapos niyon ay dinaluhan ko siya sa pagkain.

It's so unbelievable seeing him eating a lot with that body. Marami nga ang kinakain pero hindi naman tumataba.

I tried having some updates with my friends, but to my surprise, our group chat is silent now.

Nakakapanibago dahil hindi iyon nag-iingay. Alam ko naman kasing magkasama silang tatlo tapos heto ako, kasama ang hindi ko nagugustuhang tao.

"How did you know my email?" he asked out of the blue while eating the fries.

"Ah. Syempre, member ako ng Lorenzo's Wives—" natigil ako. Ibinunyag ko ang sarili sa mismong harapan niya.

Gosh. I should've not said that! Hindi ko dapat nilaglag ang sarili.

He boredly looked at me. Napakagat ako sa labi at awkward na ngumiti sa harapan niya.

"Uh... ano... kasi."

"Sumali ka rin doon?"

"Alam mo?" gulat kong tanong.

"Sabi ni Isaac. You joined there?Bakit? Gusto mo rin ba akong maging asawa?"napangiwi agad ako.

Siguro iyong iba ay oo, ako lang hindi. Ni ayoko ngang maging parte siya ng banda kahit wala akong magawa.

Seryoso niyang tinanong iyon sa akin na para bang walang pakialam. Lagi naman kasing walang reaksyon iyong mukha niya. Kung hindi mukhang bored ay parang walang nakikitang tao naman lagi kung umasta.

"Well, gusto ko lang malaman ang tungkol sa'yo. Kung bakit ka kinababaliwan ng karamihan."

"May nakuha ka?"

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now