"Atsaka huwag mong sisihin ang sarili mo. Di mo kasalanan ang nangyari sayo noong araw na yon kaya sana marealize mo na ang buong Glee Club members ay willing na tanggapin ka ulit." Di na lang ako sumagot sa sinabi niya.
Katahimikan. Katahimikan ang bumabalot sa amin ngayon ni Kelso ng bigla siyang nagsalita.
"Alis na ko Anae. Tapos na kasi yong break time namin eh. Text o kaya ichat mo na lang ako kapag uuwi na kayo ni tita para alam ko." Di na naman ako sumagot. Akmang tatayo na sana siya upang umalis ng hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatigil siya at mapatingin sa akin na may pagtataka.
"Bakit Anae?"
"Sasama ako."
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Kelso. Ngumiti ako sabay sabing, "Sasama ako Kelso sa Glee Club." Napangiti naman din siya pabalik. Narealize ko kasi lahat ng sinabi niya sa akin kanina. Di ko kasalanan lahat ng iyon. Siguro ito na yong time para magmove on ako at tanggapin ang lahat. Salamat talaga Kelso sa lahat.
❌❌❌
Sabay pumunta ni Kelso sa Glee Club. Pero bawat hakbang ng mga paa ko ay ganoon din ang beat ng puso ko. Kinakabahan ako. Oo, dapat akong di kabahan kasi wala namang dahilan para kabahan ako pero di ko talaga mapigilang di kabahan eh.
Nasa tapat na kami ng pinto ng tinignan ako ni Kelso. Siguro inaalala niya kung okay lang ba ko pero tumango lang ako sa kanya. Nirest assure kong kaya ko to. Una siyang pumasok sa loob. Dinig ko po yong ingay. Mas lalo tuloy akong kinabahan pero ipinikit ko na lang yong mga mata ko at bumuntong hininga. Kaya mo to self! Ikaw pa ba!
Ilang minuto din akong nasa ganoong position at nagdesisyon na kong pumasok. Ang kaninang medyo maingay na Glee Club ay biglang tumahimik. Makikita mo sa mga mukha nila ang gulat pero nawala din yon at napalitan ng ngiti. Pumunta sila sa harapan ko at kinamusta ako. Ganito pala ang feeling na welcome na welcome ka kahit na matagal na panahon mo silang naiwan at di masyadong nakita.
Nandito din sila oppa Baekhyun, Chanyeol at yong sampu pang members (EXO members) at kinamusta din ako. Sa totoo lang, naoverwhelm ako at di ko alam yong mararamdaman ko pero isa lang masasabi ko, thankful ako sa kanilang lahat especially kay Kelso. Kasi kung di niya inungkat ang tungkol sa Glee Club baka gagraduate akong nagsisisi dahil hindi ko man lang sila nakamusta o nabisita. Thankful talaga ako kay Kelso. Sobra sobra.
Ngayon pinapanood ko silang magpraktis ng sayaw. Yan iyong sasayawin nila sa graduation day namin. Napaisip ako bigla. Last na dance performance nila yon as a group kasi maghihiwalay hiwalay na sila pagdating sa college. Nalungkot ako bigla. Paano pa kaya sa part ni Kelso kasi di ba siya iyong mas may alam ng feeling kasi siya yong nakagain ng kaibigan, experience at memories sa pagsasayaw kaya baka mas malulungkot siya kaysa sa akin.
"Hi?" Napabalik naman ako sa wisyo ko dahil sa nagsalita. Tinignan ko kung sino ito at nagulat. Si oppa Baekhyun pala. Nakangiti siya sa harap ko at hinihintay niya ang sagot ko. Napakagat labi na lang ako dahil sa kahihiyan.
"Don't be shy Keisha. I don't bite. I'm just here to welcome you back!" Masayang sambit niya. Medyo naluluhang tinignan ko lang siya. Akala ko talaga hindi na nila ako matatanggap since nga umalis ako pero nagkakamali ako. Kung gaano kawarm ang pagtanggap nila sa akin noong unang apak ko dito ay ganoon pa din ngayon especially ang pagwelcome ni oppa Baekhyun sa akin.
"Thank you." Maluha luhang sambit ko. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"I know what you are thinking right now. Probably you blame yourself for what happened that day but no. Please don't think that it's your fault 'cause its not. You are one of the greatest person I met so please always think that you are welcome here!" Dahil sa narinig ko galing sa kanya ay mas lalo akong napaluha. All this time, yong fear ko na baka di na nila ko tanggapin ay nagvanish into thin air. Tama talaga si Kelso. Hindi ko kasalanan ang nangyari and I'm thankful kasi lagi siyang nandiyan na nagpapaalala sa akin ng mga bagay na akala ko mali at nakakasama sa akin.
Pagkatapos ng iyakan ay napuno na ng tawanan dahil sa mga jokes at kwento sa akin ni oppa. Napatingin ako kay Kelso habang sumasayaw siya. I mouthed 'thank you' at tinunguan niya lang ako bilang sagot.
Salamat talaga Kelso sa lahat lahat dahil kung wala ka baka hanggang ngayon nagsisisi ako sa nangyari pero dahil sa payo mo, naging maayos ang lahat. Thank you talaga.
Nakauwi na ko ng bahay na magaan ang loob. Palapit na palapit na ang graduation at paunti unti nagiging handa akong tanggapin to kasi yong mga bagay na nagrerestrict sa akin para maging malungkot sa graduation ko ay unti unting nabawasan. Dahil lahat yon kay Kelso.
❌❌❌
YOU ARE READING
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 42 💕
Start from the beginning
