"Hindi ba ang weird? Lahat ng sakay ng eroplano namatay sa pagsabog dahil naglanding 'yon sa isla..." muli nyang dagdag. "Hindi yung nakaligtas kayo ah? I mean...paano kayo napunta sa isla na 'yon, Madie." napaisip din ako sa sinabi nya. Nakita niyang gulong gulo na ako kaya pinakita niya ulit ang cellphone niya. Sa pagkakataong 'to ay mapa na ang nakita ko. "Tignan mo 'to...dito nag crash yung eroplano," pinakatitigan ko yun. "Tapos eto... dito kayo natagpuan." bakit ang layo? Paanong nangyari 'yon?

"Hindi ko alam, nagising nalang din ako at nandyan na ako sa isla na 'yan." nasapo ko ang noo ko dahil sobrang daming tanong na naman ang nadagdag sa isip ko. Hindi ko na kaya 'to. Tumayo ako.

"Oh? Saan ka pupunta?" agad naman na tanong ni Arley.

"Maghahanap ng sagot. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng posibleng sagot sa mga nangyari," naglakad ako papunta sa pinto.

Napa-atras ako ng makitang may lalaking nakatayo dito, naka cap ito at face mask na itim maging ang mata ay natatakpan ng suot niyang salamin.

Bigla ay pumasok sa isip ko ang itsura ng mga taong humahabol sa amin sa lugar na walang katapusang daan lang ang makikita. Sumikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.

Ganun na lang ang gulat ko ng humakbang ito papalapit sa akin.

"Wahhh! Wag kang lalapit! Lumayo ka dito! Ayoko na!" sa takot ko ay napapikit ako. Para akong masisiraan ng bait ng marinig ko ang pagtawa ng lalaking bumaril kay Matthew. "Ayoko na! Ayoko na!" paulit ulit kong sabi at sunod sunod na yabag na naman ang narinig ko na nagtatakbuhan papalapit sa akin kaya wala sa sariling napatakbo din ako.

Nagpumiglas ako ng maramdaman kong may humawak sakin sa braso. "Madie?! Anong nangyayari sayo?" pero ang boses niya ang nakapag pabalik sa akin sa wisyo. Unti unti akong kumalma at nagmulat ng mata. "Bakit ka sumisigaw?" bakas sa mata ni Dad ang pag aalala. Nangilid ang luha ko habang nakatitig sa kanya.

Ano bang nangyayari sakin?

Nakahinga ako ng maayos dahil sa presensya ni Dad. Lumingon ako sa kanila pero nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking 'yon. Aatras sana ako pero tinanggal nya ang suot nya.

"Bakit naman kasi naka disguise ka ogag!" naglakad papalapit sa kanya si Arley at binatukan dahilan para malaglag ang cap nito.

"Sorry Madie, hindi ko naman alam na nakakatakot na pala ang ganitong outfit," pagpapaliwanag niya.

Tristan Reese. Isa siya tinuring ko na ring pamilya, kagaya ni Arley ay matagal na din kaming magkakilala. Halos silang dalawa ang naging kaibigan ko simula pa noong nag aaral pa lang kami.

Napahilamos ako sa mukha ko at dahang dahang binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Dad.

"Ikaw pala," sabi ko nalang at pilit na ngumiti. Inayos ko ang sarili ko dahil lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin. "Ahh ano, magpapahangin lang ako saglit, labas muna ako." pagpapaalam ko at nagmamadaling lumabas.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Gusto ko lang ng kapayapaan, paano naging ganito kagulo ang simple at blanko kong buhay dati?

Pumikit ako at dinama ang hangin sa rooftop. Ang daming tanong na gusto ko ng masagot pero natatakot akong malaman ang totoo. Natatakot ako sa magiging reaksyon ko kapag nasagot lahat ng tanong ko.

Paano mo ipapaliwanag sa akin ang lahat, Matthew? Magpapasalamat ba ako sayo dahil nakaligtas tayo? Gulong gulo na ako sa katauhan mo. Hindi ko na alam kung tama ba ang hinala ko sayo. Hindi ko alam kung paano ko itatanong sayo ang lahat.

Behind My CanvasWhere stories live. Discover now