"How about your Mom?" he asked me this time.

Mama is a nurse. Kaya nga wala rin masyado sa bahay dahil sa trabaho, parating night shift 'yon eh. She works in Don Benito, the public hospital under WVSU. And of course, she knows about Range. Iyon nga lang, hindi pa nagkikita ang dalawa sa personal.

"She's a nurse. Maybe she inspired me unconsciously to take nursing, you know. Hindi niya naman ako pinilit sa iyon din ang kunin,"

Dumating ang pagkain kaya nabitin na naman ang pag-uusap namin. Gusto ko pa sanang itanong kung gusto niya bang magnegosyo tutal iyon naman ang kurso niya.

And it's fucking weird, right? Naiilang akong magtanong sa kanya ng mas personal pa lalo't nababasa kong ayaw niya namang sagutin kahit alin pa ang ibato. Range gives off a certain aura I couldn't explain anymore.

Binaba ko ang kubyertos sa plano bago siyang tinignang muli, tapos na akong kumain. Pinagmasdan ko lang ang seryoso niyang pagkain. Thankfully, we talk a bit more. Iyon nga lang, halos school stuff lang iyon. Nothing personal again.

At ngayon naman, bumaba kami sa beach para maglakad-lakad pa. Nag-aagaw na ang dilim at kahel sa langit. Pumasok sa isip ko na ngayon na lang siya ipakilala kay Mama tutal malapit na lang din dito ang bahay. Why not hit two bird with one stone while we are at it?

Huminto ako sa paglalakad kaya niya ako nagtatakang nilingon.

Ngumuso ako bahagya. "Samahan mo ako sa bahay, Range. Wala si Mama roon ngayon,"

Pinilig niya ang ulo pagilid. "Bakit? Ano ang gagawin?"

Seryoso naman iyong tanong niya pero ba't ako biglang nailang? Na tila sa paraan ng pagkakasabi niya'y may 'iba' kaming gagawin.

"Ipapakilala na kita kay Mama," ani ko.

"Kakasabi mo lang na wala siya roon?"

Opisyal na akong natawa sa pamimilosopo niya. Pero oo nga pala, pahapway ko nga'ng nasabi sa kanya na wala si Mama ngayon sa bahay. What's surprising was he actually remembered it pa. At dahil talo, ngumuso ako.

"Kuryuso ka sa mga bagay-bagay at kong mag-isa tayo sa iisang lugar lang minsan. We'll tell her next time around, Saint. Iyon siguradong nandoon siya,"

"Ipapakilala ka lang! Ikaw, iba-iba ang iniisip mo."

Makahulugan niyang akong tignan saka tumango upang sumang-ayon. "Fine but you'll behave, Saint. Or else..."

Fine, blame it on my lack of experience, I guess? Mabuti na lang talaga minsan na siya pa ang sumusuyaw sa akin kapag medyo lumalampas ako sa linya. Imagine, ako pa talaga ang lumapagpas sa linya imbis na siya?

The house was empty and quiet when we both reached it. Iniwan ko siya sa sala para maligo. At ngayon naman na nakapagbihis na ako't lahat,  ganoon pa rin ang posisyon niya ng iwan ko rito. Tumabi ako sa kanya.

"What now?" suplado niyang singhal dahil sobrang lapit ko sa kanya.

Parang kasalanan ko pang pinilit ko siya na pumunta rito ah? He's even scowling now.

"Hihintayin nga natin," tinignas ko ang relo sa kamay. "Uh... mga dalawang oras pa."

He sighed heavily. Umusog siya papalapit sa akin bigla. Biglang naging awkward sa pagitan namin nang pinamulhan ako ng pisngi. Naaalala ko kasi ang mga
panaginip ko minsan sa kanya.

Like what if...

Tumayo ako at pilit siyang hinihila pataas ngunit ayaw niyang magpahila, literal siyang nagpapabigat. Siguro'y natunugan ang gusto kong mangyari.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now