Tumango ako.

"Kailangan ba talagang may gitara ka? I don't have one so I guess, I'll borrow this?" tanong ko.

"No, you can't borrow that. Property ng school kasi tapos minsan hindi maiwasang may masira. But don't worry. As long as mayroon nang budget, we can buy another guitar."

"Oh. Okay. I guess I'll be practicing here, then?" Tumango ito saka iniwan kaming dalawa ni Reese. I tried remembering on how to play that chord. Pakiramdam ko'y kumapal agad iyong daliri ko.

We've been practicing here for an hour. At sa aming dalawa, mukhang ako lang ang sumeryoso sa naging turo sa amin.

Iyong tanging ginawa lang ng kaibigan ko ay ang magkunwaring nahihirapan kahit na ayaw sa ginagawa.

"Ay wait. May pupuntahan pala ako. Naku sorry, Tan. Una na ako sa'yo, ah? Importante lang." Kinuha niya ang bag saka tumayo at inilapag ang gitara sa pwesto. Hinigit ko siya.

"Iiwan mo ako dito?" Kahit na ayaw ko namang makasabay siya minsan ay hindi naman yata tyumempo ngayon.

I need her here.

"Oo. Saka marami naman kayong estudyante rito. Magpapaalam lang ako."

"Teka naman. Ikaw nagdala sa'kin dito tapos mang-iiwan ka?"

"Oo nga pero kasi Tan, importante lang. Sorry, ah? Bawi ako sa susunod, promise!" she said before getting an approval to some members and then walked away, leaving me with no choice.

Naiwan akong nakasimangot doon habang hawak ang gitara. Ano pa nga bang magagawa ko? Pumayag ako sa kagustuhan.

Instead of whining there, I continued learning how to play it. Buong oras ay iyon ang napagtuunan ko ng pansin. Hindi pa rin masyadong nakabisado kung saan dapat ilalagay ang mga daliri para umayos ang tono ng bawat chord.

Nagsipag-uwian na rin iyong ibang estudyante. It's nearly dark here. Tila naaliw ako sa paggigitara nang hindi man lang namalayan ang oras kaagad.

"You staying here?" tanong ng member, iyong nagturo sa akin kanina.

"Uh, oo. Pwede naman siguro?"

"Sure. Hanggang 8 pm ka lang pwede dahil iniikot ng guard ang school 'pag may naiiwan pa bang estudyante rito."

Napatango ako bago siya umalis. Iilan na lang ang nakakasama ko rito.

I roamed my eyes. Wala na rin iyong si Enzo at mukhang umuwi na rin.

Tumunog iyong tiyan ko, nagpapahiwatig na gutom na ako.

I stood up and placed the guitar. Agad ring nakuha ang atensyon ko ng mga pagkaing nakapatong sa iisang mesa.

Halos lahat nang iyon ay curls, o 'di kaya mga fast food. May mga drinks din na tingin ko'y para sa mga members na narito.

Nilapitan ko iyon saka sinipat. There's a sticky note placed on the other food. May nakasulat na 'eat well'.

I shrugged my shoulder and then took a bite from the burger. Napatingin din ako sa ibang pagkain na naroon at mukhang alagang-alaga talaga ang mga members dito. Siguro para sa mga nag o-overtime mag-practice rito.

Uminom rin ako ng soda sa katapat. I almost choked when I saw Enzo already standing in front of me wearing his poker face while deeply staring.

Napaubo ako ng kaunti saka inilapag iyong burger. I glared at him but he just remained serious.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now