"Yeah," tipid niyang sagot, halatang naiilang.

Ngumuso ako. Kahit alam kong naiilang siya'y gusto ko pa ring malaman. Isang tanong na lang, at kung maiilang pa siya ay hindi ko na i-pu-push pa.

"Do you work just for the summer then?"

At sa pagbago niya ng ekspresyon. Kumpirado kong naiilang nga siya.

"You can say that. Hindi ka pa aalis?" he even nudges the empty jeep in front of us to divert my original topic.

Ayaw ko namang ipahalata sa isang 'to na medyo natunugan ko ang pagbago niya ng ekspresyon. Maybe he's just shy to share his work. I get it, no need for me to be pushy.

"Text me," pahuling bilin ko na lang.

Napakagat ako ng labi papasok sa jeep. Hindi pa ako nakakalayo ay tumunog na ang cellphone ko. Agad kong nilabas ang cellphone sa bulsa para basahin ang mensahe niya.

Unknown number:
Save my number too.

Saint:
Saved.

Saint:
So, saan parte ka ng Guimaras?

Kuryoso talaga ako dahil limang munisipyo sila roon. Kaya nga inisyal kaming nahirapan ni Willow na hanapin siya. Alangan namang suyudin namin ang limang munisipyo ng walang kaalam-alam, hindi ba?

Range:
Buenavista. Do you want to go there? Kanina ka pa nagtatanong.

Saint:
Oo? I want to see a proper plantation too. Doon ka naman kapag summer, hindi ba?

Range took longer to reply than usual. Halos labing limang minuto na ang nakalipas ng nagreply ako. Pinaikot ko ang telepono bago binaling sa labas ang tingin. Malapit na pala akong bumaba. Pumara ako at nang makababa sa jeep, doon na tumunog ang telepono ko sa tawag niya.

"I'll bring you there this sembreak..." pambungad niya.

Binagabag pa ako sa tagal niyang magreply. I thought I offended him by my nosey question about his work. Mabuti naman at hindi. At mabuting payag siyang isama ako roon.

"That is only if you make me your boyfriend," dagdag niya nang akmang magsasalita na ako.

Muli akong natigilan. Natawa nang mapagtanto ko kung gaano ka seryoso niya iyong nasabi.

"Wait. I thought you were already?" natatawa ako.

Diniin ko ang telepono sa tainga nang papasok sa pedicab. I heard his heavy sigh after.

"You need to be clear, Saint. Why the hell are you talking in riddles?"

Peke akong suminghap. "I thought you were-"

"Puwes, kailan?" medyo tumaas pa ang boses niya.

Nilayo ko ang telepono sa tainga dahil natatawa ako. Agaran ko namang ibinalik para makasagot kaagad.

"Hmm, let's see. Was it the day I kissed... you in front of the whole school body?"

I heard his low groan after.

"Magkita tayo bukas ng umaga. Bukas mo sabihin dahil matapang ka lang tawag 'to. You tell that straight to my face tomorrow," iritado niyang sabi.

At bago pa ako makasagot, binabaan ako ang tawag! Hindi ako makapaniwala na pinatayan niya ako ng tawag. Pero gaya kanina, nakakatawa siya kaya halos hindi na humupa ang ngisi ko nang marating ang bahay. He wants me to say it to his face tomorrow? Akala niya ba na aatras ako?

At kahit hirap matulog, pilit ko pa ring pinikit ang mga mata para maagang magising bukas. Nagtext siya na sa coop daw kami magkita.

The whole university was quiet when I reached it this early. Huni lang ng mga ibon ang naririnig ko sa paligid.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora