Pauloy pa rin kami sa paglalakad mukhang medyo harap ang table namin eh. "They are invited but I'll represent my family. As I told you they hate this kind of party." sagot nalang nito na diretso ang tingin at walang pake sa mga nakatingin saamin.

"Kahit si Sizer?" umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko ang pangalan ng kapatid niya kaya napanguso ako.

"Yeah, He's busy person." inirapan niya ako kay nagkunwaring nanghihinayang ako dahil hindi nakadalo ang kapatid niya.

"Sayang.." bulong ko at katulad ng inaasahan ko ay mag r-react siya. Tss, kung hindi ko lang talaga alam 'yung type niya iisipin kong nagseselos siya.

"What?" iritado niyang saad. Sasagot pa sana ako nang biglang may sumigaw na pamilyar na boses ng isang batang babae.

"Doggy!" nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang sumasalubong saamin.

Binilisan ko ang lakad ko palapit sakaniya. "Dawina." tuwang tuwa kong saad dahil ang cute cute niya sa suot niyang dress. Bata palang pero napakaganda na. Mukhang maraming paiiyakin ang lalaking 'to.

Binuhat ko siya at hinalik halikan niya ako sa pisnge saka pilit na sumisiksik sa leeg ko. "I miss you Doggy,  bakit 'di ka pumunta sa birthday ko?" malungkot na tanong niya kaya napatingin ako kay Roks na nakatingin lang saamin.

"Sorry busy kasi Doggy." mahinahon kong sambit at hinagod hagod ang likod nito.

"I'm jealous Dawina, why Dada doesn't have kiss? Aren't you miss me too?" madramang tanong ni Captain na hindi ko inaasahan kaya umakmang magpapabuhat sakaniya si Dawina na agad namang kinuha ni Roks saakin.

Ang Daddy material talaga, rawr.

"Ofcourse, I miss you Dada. Magaling ka na ba?" malambing na tanong ni Dawina saka hinalik halikan din si Roks kaya napangiti ako.

Nakarating na kami sa mismong table namin at naabutan ko si Amirah at ang katabi niyang lalaki na iba din ang kagwapuhan. "Yes baby, You look so beautiful tonight. Where's Ranch?"

"Nandoon pa sila sa room ni Tita Atarah kanina." sagot ni Dawina habang ngumunguso at pinaglalaruan ang buhok niya.

"Paint, ang ganda mo! Naalala mo ba ako? I'm Amirah! Nice meeting you again." agad na tumayo si Amirah sa pinagkaupuan niya saka nakipagbeso saakin.

Napakaamo ng itsura nito sa suot niyang royal blue night dress. Ang ganda ganda niya sa totoo lang.
"Oo naman, Ikaw din." sambit ko. Inalalayan niya ako paupo sa table namin dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"I'm Primch Fleo Agasier her fiance."  pakilala naman nung lalaki sa table at inilahad ang kamay nito kaya tinanggap ko naman. Ebarg ang gwapo rin sa malapitan ang lalaking 'to ang kaso ang aura niya medyo dark parang masungit din ang peg nitong si Primch. Infairness, ang ganda ng name niya.

"I'm Paint---." sasabihin ko na sana ang pangalan ko pero pinutol 'yun ni Primch.

"I know you." napa 'ohh' ako sa sinabi niya dahil  hindi ko naman siya kilala.

"Ah 'diba nabangit ko na sa'yo na nakwento ka kasi saamin ni Roks." sabat ni Amirah kaya napatango nalang ako dahil naalala ko nga 'yun ang akala ko nung una nagkakilala na kami noon, lol.

"Where's the others?" tanong ni Roks. Napatingin naman ako kay Dawina na gustong umupo sa kandungan ko kaya sinunod ko naman ang gusto niya.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon