[Capitulum 05] An Enemy in the Shadows

329 66 22
                                    

Did I tell you that foxholes are my favorite?

No?

Well, aside from the fact that I'm (obviously) a fox shifter, isang dahilan kung bakit paborito ko ang mga hukay na ito ay dahil mas praktikal gamitin sa paglalakbay. Lingid sa kaalaman ng mga mortal, mas kumplikado pa ang mga foxholes kaysa sa inaakala nila. On the surface, humans see nothing more than a hole in the ground.

But deep inside, there's a complex transport system that's more efficient than a bus.

"AAAAAAAAAH!"

Pero mukhang hindi naa-appreciate ni Dora Marquez ang kagandahan ng mga foxholes. Wala pa kaming isang minutong nagpapadausdos sa pasikot-sikot na lagusan, halos mabingi na ako sa pagsigaw niya. I don't know if I should feel offended or not. Hindi ba siya mahilig sa mga slides at rollercoaster rides? Yes, a foxhole is like a hybrid of those.

Kaya sa kabila ng kadiliman, sinubukan kong pakalmahin ang kaluluwa. Hindi ko pwedeng pabayaan ang customer ko.

"Señorita! Calm down!"

"AAAAAAAAAAH!"

"Seño---"

"AAAAAAAAAAAH!"

Nevermind.

Napailing na lang ako, hindi ko na napigilan ang pagngisi. 'Hindi siya takot kay Grumpy Old Troll, pero natatakot siya mahulog sa isang foxhole?' Minsan talaga, nakakaaliw ang mga kaluluwa. Madalas kasi, nakakalimutan nilang hindi naman sila pwedeng mapahamak sa mortal na pamamaraan.

The dead ones forget that they're dead.

The living forget that they're alive.

Strange.

Makalipas ang ilang minutong pagpapaikot-ikot sa ilalim ng lupa habang iniinda ang walang-kamatayang pagsigaw ni Dora, sa wakas, narating na namin ang dulo nito. Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa'min kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.

When I opened my eyes again, I instantly noticed the change in our surroundings.

Wala na kami sa boundary ng mundo ng mga mortal at ng Underworld.

Nasa Underworld na mismo kami.

'So, the Map of Everywhere led us to a secret foxhole shortcut to the Underworld? Cool.'

"Nasaan na tayo?" Mahinang tanong ni Dora na ngayon pa lang nakaka-recover mula sa pagbiyahe namin kanina.

"Nasa Underworld na tayo, señorita. Malapit ka nang malagay sa tahimik."

"Really? Well, I never expected the Underworld to look like this. Ang buong akala ko nakakatakot at puno mga halimaw ang Underworld. Or, at least that's what my papa Marquez told me..." Pinagpag niya ang kanyang duguang damit at inilibot ang mga mata sa paligid.

Ganyan rin ang reaksyon ko noong unang beses kong mapadpad sa lugar na 'to.

Imbes na nakapangingilabot na tanawin, napapalibutan kami ngayon ng isang madilim at patay na kagubatan. The trees were pale white, with darkish spots and pointed branches. Nakatayo ang mga punong ito sa tuyo at bitak-bitak na lupa. Kulay abo ang kalangitan. Walang-buhay at walang liwanag. This place looks ten times gloomier than the boundary.

And, despite the stillness, I knew this place is also ten times more dangerous.

"Kung hindi ako nagkakamali, nandito tayo ngayon sa kagubatang malapit sa Tartarus market." Kinuha ko ang mapa sa loob ng jacket ko at binuklat ito.

Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong kumunot ang noo ng dalaga.

"A market in the Underworld? Is that even possible?"

✔The Underworld Explorationजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें