Nag-iyakan pa kami noong sinabi sa kanya ng parents niya na hindi siya rito sa Rizal magkokolehiyo. Medyo over-acting kami sa part na iyon. Kapag ganito namang walang pasok ay magkasama pa rin kami.

Sabay kaming lumingon sa entrada nang may pumasok dito. Phoebe and I exchanged gazes. A meaningful, mischievous smile crept over her lips.

"You want anything, Kuya Rogue?" she asked him.

Saglit niyang tiningnan si Phoebe at naglakad palapit sa refrigerator. Dumampot siya ng canned beer doon at sumandal sa kitchen counter. Tumuon ang kanan niyang siko sa counter at binuksan ang beer gamit ang kaliwang kamay. Lumagok siya roon at ramdam kong pareho namin siyang pinanonood ni Phoebe.

"Mukhang nagpapansin sa 'yo. Labas ba ako?" bulong ni Phoebe sa akin.

"Baliw! Dito ka lang. 'Pag iniwan mo ako, papasabugin ko kwarto mo," pananakot ko sa kanya.

"Hoy, huwag sa kwarto ko magpapasabog. Marami kaming guest rooms, girl!" ganting anas niya sa akin.

Saglit akong nag-hang bago ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Kinurot ko siya sa tagiliran. She grinned from ear to ear.

"Akala ng parents mo, santa ka. Pero ang dami mong kalokohang alam," nanggigigil kong sabi sa kanya.

"Ikaw rin. Remember last night?"

"That's a mistake!"

"Mistake mo mukha mo. You didn't tell the details but I know you liked it. Kagabi ka pa tumitingin kay Rogue. Isa kang malantod!" Kumawala siya sa akin at bigla na lang akong iniwan.

I suddenly got nervous. Itinuon ko na lang ang pansin sa toasted bread ko na nasa platito. Kumagat ako rito at bigla kong nabitawan nang nakarinig ako ng pagtikhim.

"How are you feeling, Ragna?" he asked, breaking the silence.

Tumunghay ako at nagtama ang mga mata namin. Kanina pa ba siya nakatingin?

Uminom muli siya sa hawak niyang beer, hindi inaalis ang tingin sa akin. Kung nakatayo siguro ako ay napaupo na ako dahil sa tingin niyang iyon. Lalo na at may ginawa kaming dalawa kagabi na hindi ko akalaing magagawa ko sa tanang buhay ko. Napakalandi ko naman at nagpahalik ako sa lalaking ang alam ko lang ay pangalan!

"I'm okay," I answered, and groaned inwardly. Did it sound like I was nervous talking to him?

Umayos ka, Ragna! Normal lang sa mga lumaki sa Manila ang makipaghalikan sa kung sinu-sino.

"Good." Naglakad siya palapit sa akin at ipinatong ang beer sa table. He looked at me as his index finger played with the corner of the can. Dinilaan niya ang palibot ng mga labi niya.

Nag-iwas ako ng tingin.

Tatanungin niya ba ako tungkol sa nangyari sa amin? Pwede namang hindi na. I knew I looked so awkward right now.

"About last night—"

"Huwag na nating pag-usapan 'yon. We're both drunk," I promptly said. Tumayo ako at dinampot ang platito at baso ng gatas. Mabilis ko itong inubos bago ko ilagay sa sink. Mamaya ko na uurungan kapag wala na siya sa paningin ko.

Pumihit ako palabas ng kusina nang muli siyang nagsalita, "I'm not going home 'til tomorrow. Stay here another night."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Unti-unti ko siyang hinarap at nakadekwatro na siya habang nakasandal sa upuan. Nakaharap siya rito sa entrada.

"Ragna?"

May mas gaganda pa palang bumigkas ng pangalan ko kaysa kay Admiral. How it slipped through his mouth was so soothing. Lalaking-lalaki ang boses niya pero para itong nang-aakit.

"We're not friends, Rogue. We're just acquaintances."

Kumunot ang noo niya. Tumapik ang index finger niya sa sariling baba. He was staring at me and it made me more awkward.

"We can be more than acquaintances."

Ako naman ang nagkunot ng noo. Tumayo siya at lumakad palapit sa akin. He drank the beer in front of me, and then squeezed the can before looking at me again. Nadepina ang mga ugat sa kamay niya dahil sa mahigpit niyang pagpisa noon.

"Anong ibig mong sabihin?"

Inihagis niya ang can at na-shoot iyon sa trash bin. Muli niya akong nilingon.

"Gusto pa kitang makilala. Hindi mo ako pinatulog nang maayos kagabi."

He walked past me and I was flabbergasted. Lumabas ako ng kusina at nakita siya na papunta sa living room. He sat beside Admiral. Kinausap siya ng mga kaibigan pero hindi siya sumasagot.

Tumingin siya sa direksyon ko. Aalis na sana ako pero hindi ko na itinuloy dahil nahuli na niya akong nakatingin.

Kinagat niya ang ibabang labi, tila nagpipigil na ngumiti.

The Curse Where stories live. Discover now