Lumapit ako sa kanya at tumayo naman siya para ikuha ako ng mga damit. Sinundan ko siya sa walk-in closet. Nagkalkal siya sa damitan ng pupwede kong suotin. Iba talaga kapag anak-mayaman.

Pagkatapos makahanap ay pumasok na ako sa bathroom. Pinihit ko ang shower at dinama ang nakakakiliting pagtama ng tubig sa hubad kong katawan.

Naalala ko na naman pati ang hawak niya sa akin. Kinuha ko ang shampoo at naglagay ng sapat na dami sa palad ko. Minasahe ko ang ulo at napapikit.

Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang lalaking iyon. Sana pagbaba namin ay wala na siya. Just the mere idea of possibly seeing him this morning was a big problem to me.

Hello, we kissed last night! And we were practically strangers who just knew each other's name!

After I got dressed, I went out of the room looking for Phoebe. Pababa ako ng hagdan nang tawagin niya ako. Fiesta na ng bayan kaya marami na akong nasisilip na bisita sa labas. Hindi ko pa nakikita ang parents niya. Gusto ko sanang makapag-hi man lang sa mga ito.

Sa living room ay nakaupo ang mga lalaking kainuman namin kagabi. Pilya ang ngiti ni Phoebe sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Oo nga pala. Saan ka nagpunta kagabi, dude? We're looking for you. Hindi ka na bumalik sa table," usisa ni Admiral.

Sinundan ko ang tingin ni Admiral at saktong hinila ako paupo ni Phoebe sa tabi niya. Nanatili ang tingin ko sa lalaki na umiinom ng kape. Pero mabilis nag-iwas nang tumunghay siya.

"CR," tipid na sagot ni Rogue.

"Okay lang kung makikipaglandian ka sa kanya. Two years lang ang agwat n'yo," anas ni Phoebe sa tenga ko.

Mahina ko siyang kinurot sa hita at pilit ang ngiti na tiningnan siya. "Manahimik ka," halos hindi bumuka ang bibig kong sabi.

"We don't have girls last night, Rogue. Bakit ka pumunta sa CR? Nag—"

"Guys, my sister and Ragna are here. Careful of what you're about to say," Admiral interrupted Jax.

Pero hindi ko na matandaan ang pangalan ng iba. Sampu silang magkakaibigan kaya hirap akong memoryahin ang mga pangalan nila.

Maliban sa lalaking katapat ko. Pati paggalaw niya kagabi ay halos tumatak na sa isip ko.

"Kuya, naman! Same school lang tayo pumapasok. You think I don't hear people talk about adults' stuff? Come on! We're no longer kids!" Siniko ako ni Phoebe at nginisihan ako. "Right, Ragna?"

"Yes," napilitan kong sagot.

She chuckled and turned her gaze to the guy in front of me.

"Hindi naman conservative lahat ng mga taga Tanay, Admiral!" natatawang sabi noong si Mikhail.

Tumayo ako at ramdam ko na napatingin silang lahat sa akin. Hinawakan ko ang braso ni Phoebe at hinila siya sa kusina. Sa labas kung saan ang handaan nila ay marami ng tao.

"Bakit mo pa ako inaya roon? Nandoon si Rogue, gaga ka!" mahina pero madiin kong sabi.

"'Cause it's obvious that you're looking for me." Umikot ang mga mata niya.

Umupo ako sa harapan ng dining table. She took a carton of fresh milk from the refrigerator and poured into two glasses. Ipinatong niya sa harap ko ang isang baso bago kumuha ng bread at naglagay sa toaster. Pagkatapos ay pinaglagay niya ako sa platito at inilapag din sa harap ko.

Maraming lutong pagkain pero pareho kaming dalawa na sanay na tinapay lang ang kinakain sa umaga. Buong elementary at high school kasi ay magkaklase kami. Ngayong college lang siya lumipat dahil gusto ng parents niya na sa isang dekalidad na unibersidad siya mag-aral.

The Curse Where stories live. Discover now