Chapter 6

17 8 0
                                    

"Zoya " masayang bati ni Warren ng makalapit ako kasunod nito ang mahigpit niyang yakap. "Can't breath " sabi ko ng lalong humihigpit ang yakap nito.

"Sorry, I just miss you so much" kumikinang ang mga mata nito. I almost roll my eyes sa reaksyon nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ng makaupo kami. Ngumuso naman ito. "Hindi mo ako na Miss" nakangusong sabi niya.

Bumuntong hininga ako" Nasa kabilang bayan kalang, hindi ka naman nag abroad kaya bakit kita mamimiss " tuluyan kuna itong inikutan ng mata matapos kung mag salita. Tumawa naman ito sa reaksyon ko.

Kambal ni Pearl si Warren. Sa kabilang bayan ito nag aaral at nakatira ito sa grandparents nila.

Ang sabi ni Pearl madalas raw silang mag kasakit ng mga bata pa sila at may nakapagsabing dapat hindi sila mag kasama sa iisang bahay kaya nag disisyon ang mga magulang nilang dalhin si Warren sa magulang ng Daddy nila.

Tuwing Holiday at Summer break lang nakakauwi rito si Warren kung minsan naman kapag napag tripan lang nitong umuwi tulad ngayon.

"Sabi ni Nanay Josie hindi kapa nag aagahan" hinawakan nito ang kamay ko"Tara, lilibre kita ng agahan at pananghalian" tumayo ito at hinila niya ako. Mabilis ko namang binawi ang kamay ko.

Namewang ako" Istudyante ka palang ang lakas ng loob mong manlibre. Maawa ka naman sa magulang ninyo na nag kakanda kuba na sa kakatrabho" panganaral ko rito. Malapad naman ang pag kakangiti nito.

"Kaya nga ba Mahal na Mahal kita dahil marunong kana sa buhay"sabi nito na inikutan ko lang ulit ng mata.

Second year highschool kami ng mag tapat ito sakin at noon palang nireject kuna ito. Matalik ko silang kaibigan ni Pearl at mahalaga sakin ang pag kakaibigan namin.

"Kapag nalaman ni Cindy 'yang sinabi mo siguradong isang linggo nanaman kayong Hindi mag uusap"

May girlfriend na ito pero heto siya kung ano-anong pinag sasasabi.

"Break na kami" malamig na sabi nito.

Hindi na ako nag tanong pa. Ayokong makisawsaw sa buhay niya lalo na kung tungkol sa pag ibig.

"Teka, Warren! " pigil ko rito ng hilain niya ako palabas ng bahay.

Naka padjama lang ako at over size T-shirt tapos kung saan-saan niya pa ako dadalhin.

"Kahit anong suot mo maganda kana" sabi nito. Nasa tabi na kami ng sasakyan nito sa labas ng bahay.

Binuksan nito ang passenger seat at marahan akong tinulak. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Baby bear"

Sabay kaming napalingon ni Warren sa pinanggalingan ng boses. Ilang hakbang mula samin nakatayo si Tate salubong ang kilay nito habang nakatingin samin at sa kaliwang kamay nito ay isang kulay asul na bouquet pero hindi bulaklak ang laman kundi maliliit na stitch.

"Pasok Zoya" sabi ni Warren bago idiniin ang ulo ko"Teka lang! " inis na bulyaw ko rito. Nang makapasok ako mabilis nitong isinara ang pinto ng mapasok ito binuha niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot ito paalis.

"Wala akong planong mamatay kasama mo! " sigaw ko ng mabilis parin ang takbo ng sasakyan nito kahit nakalayo na kami sa subdivision. "sorry" usal nito bago binigalan ang takbo ng sasakyan. Umiling naman ako" Ewan ko sayo" naiinis na sabi ko.

"Wag kanang magalit, ililibre kita sa lahat ng gusto mong kainin" Wow, anong akala niya sakin mukang pag kain

The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon