Chapter two: A DATE

4.5K 266 28
                                    

Chapter 2: A DATE

Dinala ako ni Miko sa isang park. Masyadong makulay. Bukod kasi sa matingkad na green na kulay ng mga damo, nagkalat yung mga vendors sa paligid. May nagtitinda ng ice cream, cotton candy, lobo, laruan at napakarami pang iba.

“Seriously, ngayon lang ako nakapunta dito.” Sabi ko kay Miko. Magkahawak yung kanang kamay namin. As usual, naka-wheelchair ako at nasa likod siya para itulak ito. Minsan nga, naaawa ako kasi kapag magsasalita ako magbebend siya sakin para marinig ako ng maayos. Nakakangalay kaya yun.

“Oh talaga? So kamusta, nagustuhan mo ba?” Halata sa boses niya ang saya.

“Hindi.” Sabi ko and I mean it. Duh? Hindi naman kasi ako bata. Kung ten years ago, baka magtatalon pa ko sa tuwa kahit pilay ako.

“Bakit naman?” Tanong niya na parang natatawa pa. Akala ko mababadtrip siya sa sagot ko e.

“Ang boring. Masyadong pambata. Ang daming tao.” Sagot ko. Kanina pa ko naiirita sa mga taong nakatingin samin. Gusto pa yata nilang magpapicture, mygosh.

“Mameeeeeh! I want! Huhu! Click click na! Huhu! Please!” Nagulat ako nang may lumapit saking batang lalaki at tinuturo turo ako habang umiiyak. Gusto niya ako? Haha! Tinignan ko si Miko, natatawa siya.

Biglang lumapit yung isang babae sa kanya. Eto ata yung nanay nung bata.

“Nako, baby. Nakakahiya kila Ate. Tara na.. bili kita ice cream?” Alok ng mommy nito.

“Ayaw!” Sagot nung bata tsaka pilit na kumakandong sakin. “I WANT! CLICK CLICK!” Pumunta si Miko sa harap ko at ikinandong yung bata sakin. Gosh, I can’t believe this.

“Ay pasensya na kayo ha. Makulit kasi talaga yang anak ko, gusto yatang magpapicture sa inyo. Okay lang ba?” Tanong ng mommy nung bata. Aba, ang sarap na ho ng upo ng anak niyo sa hita ko. Makakatanggi pa ba ako?

“Sige po.” Sabay naming sagot ni Miko. Okay, nagsabay lang kami pero bat kinikilig ako?

“Okay, one… two… three… SMILE! *click*” Sabi ng mommy nung bata. Nagulat ako nung lumapit si Miko at binigay yung phone niya dun sa babae. Maya-maya bumalik siya sa likod ko.

“Baby… baba ka muna. Click click muna sila ate at kuya. Okay?” Sabi ng babae sa anak niya. Click click? Yun ang term nilang mag-ina sa pagpipicture? Weird.

Tinignan pa ako ng bata sa mata. Para ayaw niya pang bumaba at nagmamakaawa. Bakit nagpapacute ka sakin? Ugh.

“Uhm. Okay lang po, kahit kasama na siya.” Sabi ko. Ngumiti yung mommy niya tsaka kami pinicture-an slash Click Click. Haha!

Ang Alamat ni Froggy at ni KunehoWhere stories live. Discover now