Chapter One: OFFICIALLY

6.1K 317 73
                                    

Chapter One: OFFICIALLY

Anya’s POV

Kung tinatanong niyo kung kami na nga ni Miko after the prom night, well, sorry to disappoint you pero hindi pa. Manigas siya diyan. May pa “CAN YOU BE MINE?” na linya pa siya diyan. Napakaraming alam!

“Anyaaaa! Miko is there sitting inside of living room!” I rolled my eyes. I wonder kung paano talaga nakagraduate tong si Trixie sa highschool? I mean, magaling naman siya sa ibang bagay like magluto, magmake-up, at sumayaw. Kumbaga skilled na siya pero when it comes to grammar and common sense, minsan mapipikon ka na lang.

“Trix, please wag ka na mag-english ha. Nakakaintindi naman ako ng tagalog.” Pakiusap ko.

“Fine~ Ayaw mo talaga akong nahihirapan. Kaya loves kita e!” Nginitian niya ako tsaka tinulungan ako at tinulak yung wheelchair ko papuntang sala. One thing that irritates me is that, hanggang ngayon hindi pa rin ako makalakad mag-isa. Nakakamiss lang kasi gumala

Agad naman kaming iniwan ni Trixie.

“Good morning!” Agad na bati sakin ng kuneho. Kung makangiti to, akala mo ang ganda ng dalawang ngipin niya sa gitna. Medyo cute lang.

“Morning…” Sabi ko sa kanya.

“Ngiti naman diyan. Ang aga aga, nakasimangot ka.” Sabi niya tsaka lumapit sakin. “Paano naman ako gaganahang ligawan ka niyan?”

Tinignan ko siya ng masama.

“Ah, so pag nawalan ka na ng gana, hindi mo na ako liligawan? Ganun ba?” Alam ko naman yung ibig niyang sabihin kanina. I’m just testing him. Kasi konting-konti na lang bibigay na ako sa kanya.

I’m afraid. Oo, hanggang ngayon natatakot pa din akong magmahal ulit. Natatakot akong mainlove, kasi kapag nagmahal ako… SOBRA. Natatakot akong mangyari nanaman yung kay Ethan, ayoko nang manakit ng ibang tao like Fretzie just to have my happiness. I’ve already learned my lesson.

“Oo.” Sagot niya sa tanong ko na ikinagulat ko. THAT’S IT! Buti na lang hindi ko pa siya sinasagot! Sabi na, Miko is just after the chase. Nachachallenge lang siya sakin, I knew it!

Sa sobrang bigla, nararamdaman yung nagiinit na yung mata ko. Bumibigat nang bumibigat, any minute baka maiyak na ako. Ganun lang pala yon.

“Titigilan na kita kapag nawalan na ako ng gana.” Sabi niya. Sige, ipamukha mo pa talagang bwisit ka. Tinignan niya akong maigi. Kuneho ka talaga, PAASA! “Pero hindi ako mawawalan ng gana, kasi nga mahal kita. In short, hindi kita titigilan.” Tapos nginitian niya ako. Eto naman si ako, hindi mapigilang mapangiti din. Kahit kelan talaga tong si Miko.

“Bat ang dami mong alam?” Tanong ko sa kanya.

“Kasi nga gwapo na ako, matalino pa. Jackpot ka na nga eh, ayaw mo pa rin sakin?”

“Gusto.” Nakagat ko yung labi ko sa gulat. Swear, sa utak ko lang dapat sinabi yun! Ahhhh!!!

“A-Anong sabi mo?” Hindi mapigilan ni Miko ang mapangiti sa narinig niya. Grabe, ganito ba siya kiligin? Pinipigilan yung ngiti niya tsaka namumula? Mygosh. Ang cute.

“Bingi ka ba? Sabi ko gusto kita!” Ayan, imbes tuloy na sweet yung pagkakasabi ko para tuloy galit. Inis kasi, ang bingi niya!

“Ano kamo?!” Kunyari pa to. Halata namang umaarte lang. HAY!

“SABI KO, OO SINASAGOT NA KITA! BWISET! NAPAKABINGI!”

Bigla siyang tumayo at nag ‘yes’ ng mahina. Yung para bang nanalo ng jackpot sa lotto. Yung gustong sumigaw pero pinipigilan? Ikaw na Miko Hans Flores. Ikaw na talaga.

“Wala nang bawian ha? I love you!” Ewan ko pero parang nakalimutan kong pilay ako at tumayo ako para yakapin si Miko. In the end, muntik na kong matumba. Nasalo niya naman ako  kaso nagtapat yung mukha naming dalawa.

“Ang ganda mo.” Sabi niya. And it’s creepy kasi seryoso talaga yung mukha niya habang sinasabi yun. Hindi ako sanay!

Inalis ko agad yung tingin ko sa kanya at agad na niyakap para itago ang kilig na nararamdaman ko. Ganito pala ang feeling kapag mutual yung love na nararamdaman niyo sa isa’t isa. Yung hindi pinipilit, at kusang lumalabas. I am such a bitch para umeksena kila Ethan at Fretzie dati. Now, I pretty know how it feels. It is MAGICAL.

WE ARE NOW OFFICIAL. =)

Ang Alamat ni Froggy at ni KunehoWhere stories live. Discover now