Disgusting to think they did that inside the school premises! Hindi na ba talaga makapag-antay at dito na nila ginawa? Na bahala nang may makakita basta mabilisan? Gosh...

Namumutla na siguro ako ngayon.

Nilingon ko ang kaibigan nang mahimasmasan ng kaunti.

"She was giving him a head... of some sort," mahina kong bulong kay Willow.

Willow's right hand flew to her mouth to cover it. Inusog niya ang upuan para lumapit ng husto sa akin.

Dismayado siyang napailing. "Nagbibiro lang naman ako kanina na baka may ginagawa silang milagro. T-That's disgusting!" she whispered too.

Natigil ang bulungan namin ni Willow nang unang lumabas ang babae mula sa dulong shelves. Gulo-gulo pa ang uniporme at buhok, may hawak na tatlong naglalakihang libro malapit sa dibdib. Umupo siya sa kalapit naming lamesa.

Dirty!

Malapad ang ngiti ng babaeng 'to na akala mo'y walang nagawang kasalanan kani-kanina lang. Girl, nahuli kita sa akto, nakakahiyang unaware pa rin d'yan?

Moments later, Range went out from the same area with books on his hands as well.

Umismid ako at umiwas ng tingin.

Kung makasabi siyang subukan ko sa kanya dahil iba siya kay Connor ay para yata talagang seryoso siya ah? And if I didn't see him do such lewdness out in public, baka nga naniwala ako ng tuluyan sa kanya!

Thank God, nahuli ko kahit ayaw ko naman sanang makita pa 'yon. But still...

To point out too, parati niya bang ginagawa 'to? Para kasi walang siyang takot o ano man, iyong sanay na sanay na talaga siya? To be frank, I am not surprised nor disappointed cos part of me somewhat knew that about him. Something about Range screams, you know, sex appeal and such.

Ang akala ko'y tatabi siya sa babae pero hindi niya iyon ginawa. Range sat quite far from where we were seated, far away from this girl too. Pasimple silang dalawa, ah? Lowkey lang because?

With my peripheral vision, I saw Willow hissed.

"Kita mo na? Ni hindi man lang pinansin," bulong ko sa kaibigan,  takot na baka marinig ng babae lalo't katapat lang namin.

"Pa-lowkey pa, eh, nahuli mo na sa akto." medyo malakas iyong pagkakabulong ni Willow.

Pagalit na nag-angat ng tingin ang babae ni Range sa amin. She eyed us both really fiery before rolling her eyes back to her book.

Aba?

Siguro'y napagtanto niyang ako ang ex. Well, a fake ex so between us, mas angat siya kaya ba't pa niya ako pagtatarayan diyan na para bang hindi siya nakatikim ng...

Naiinis ako!

Wala sa sarili kong napukulan ng masasamang tingin si Ranger pero bago pa ako makaiwas ng tingin ay nagtama na ang tingin naming dalawa. Siguro'y naramdaman niya ang intensidad ng tingin ko.

His face immediately lit up.

Awtomatiko akong napayuko lalo't naalala ko kung paano niya na lang ako pinahiya kahapon sa coop at sa harapan ng lahat. Kalat na siguro sa buong university ang paglampas at pag-ignora niya sa akin. And to make the playing field even here, 'di rin ako mamamansin pabalik.

The chair in front of us squeaked indicating that someone sat in there.  I glanced up and saw Range seating on our table. Umamba siyang may sasabihin sana pero tumayo na kaagad ako.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now