Dahil tumanggi ako, susuko na agad? Nagpahintay lang ng kaunti, ayaw na agad? Well then, tama nga ako at mali si Willow?

I scoffed. "Then he's not that serious towards me? And your gut feeling about him was wrong all along?"

Willow smirked.

"Nakahanap na siguro talaga," she slyly pointed something behind me so I was quick to look back.

There, I saw a table full of BS Bio students. Puros babae pa. Si Range ay may kinakausap na iba sa lamesang iyon. Iniwas ko ang tingin pabalik kay Willow saka tumikhim.

Ako rito nanlulumo sa hindi niya pagpapakita ng ilang linggo tapos siya riyan sa gilid, nangiti pa sa iba. Inabala niya ako ng kay tagal na wala naman palang ibig sabihin at katuturan.

So far, this is the worst freaking Monday I have in a while. Para akong pinaglalaruan ng tadhana.

"Maawa ka naman sa test tube, Saint. Magbabayad tayo kapag nabasag mo 'yan. H'wag mo nga'ng ibuntong d'yan ang sakit mo sa puso," saway ni Willow nang medyo agresibo ako sa paglagay ng chemicals sa test tube.

Kaninang lunch pa ako inis na inis sa mundo. Monday ngayon kaya naiintindihan ko. Willow is wrong though. Galit ako sa labs at hindi dahil nakita ko siyang may ibang kasama.

Like... why would that even bother me? Of course, I wasn't bothered by that!

"What? Tama naman ako sa ginagawa, ah?"

"Oo tama nga pero dahan-dahanin mo naman," nakatikhim niyang giit.

Kung ayaw niya naman palang maghintay, e 'di sana klinaro niya sa aking ayaw niya! Hindi 'tong sasabihin niyang oo, na maghihintay siya tapos hindi naman pala. Umasa ako sa wala!

There.

Lumabas din sa bibig ko na umasa nga talaga ako, na nag-expect akong mag-aantay siya gayong hindi naman.

Alas-otso kami natapos sa Chemistry lab, nag-extend ng one hour para magligpit ng equipments. Pagod na pagod ako pagkadating sa bahay kaya kain at palit lang ng damit, deritso kaagad ako ng higa sa kama.

Pagod akong pumikit. Pagkadilat ay umaalon ang paningin ko. I could see empty beers on our table and few unopened ones on the side. Willow and her cousins were down on our the table, nakayuko sila sa lamesa.

Tulog na ba?

My vision was hazy as I lifted myself up to go up to the bathroom. Halos matumba-tumba pa ako papunta sa isang container van dito sa Palayag Festival.

Mabilisang gamit lang sa toilet bago bumaba ulit sa container van. May dalawang baitang pababa kaya pilit ko na pinipirmi ang paningin para huwag mahulog. Matapang akong bumaba pero agad akong natapilok.

Damn...

Truthfully, I expected to land face first on the soft grass, but I landed on a hard chest instead, kung kanino'y wala na akong alam. Blurry na ang paningin ko para makita pa ang sumalo. Too intoxicated to even say thank you back.

Pilit ko na pinipirmi ang sarili pero napapapikit na talaga ako. All I know is that the man in front of me was freaking tall. Masasabi ko dahil inaangat ko pa ang ulo para makita siya kahit naman imposible.

"You are so drunk, woman!" malutong niyang sabi.

Swiftly, he pulled me by my wrist. Nagpatianod ako sa kanya, walang-wala na talaga ako sa sarili para manlaban pa. Ramdam ko na ang pagyakap ng seatbelt sa katawan ko, rinig ko rin paglock niya ng seatbelt at ang pagpapaandar niya ng makina ng sasakyan.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum