Nang makaupo na kami sa pwesto namin, narinig kong nagpipigil ng tawa si Fletcher. At dahil hindi ako makapag-salita, tinapunan ko nalang siya ng masamang tingin.

Tinatawa-tawa mo d'yan?

Napakagat pa siya sa ibabang bahagi ng labi niya para pigilan iyong tawa niya.

"Gago ka Heaven. Ba't mo sinubo iyong hotdog ko?" 

Mas sinamaan ko siya ng tingin. Kita niyang hindi ako makapag-salita ng maayos! Isa pa, parang ang bastos pakinggan nung pag-sabi niya ng 'hotdog ko'.

Mabuti nalang at hindi ako natawag. Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako sa condo. Hindi ganun kalaki iyong condo unit na nirerentahan ko. Sakto lang iyong laki para sa isang tao. Wala namang issue saakin na hindi malaki iyong unit ko dahil ang importante lang naman saakin ay iyong may matutulugan akong maayos. Isa pa, sobrang convenient for me ang condong ito dahil halos sampung minuto lang ang layo mula sa university. Hindi ko na kailangang gumastos para sa transportation.

As for my tuition and allowance, si Kuya iyong nagpo-provide nun para saakin. Hindi ko alam ang trabaho niya pero grumaduate siyang engineer so there's that. Sila ni Mama iyong magkasama sa bahay dahil wala pa namang asawa o girlfriend si Kuya kaya sinasamahan niya si Mama sa bahay. 

Bago akong pumasok ng law school, nag-trabaho ako kaya may ipon naman ako kahit papaano. Balak ko nga lang iyon gamitin in case of emergencies. Pinag-iisipan ko nga kung mag papart time ako para hindi na ni Kuya kailangan na mag bigay ng allowance for me. Kahit Kuya ko siya, nahihiya parin naman ako. Imbis na mag-ipon siya para sa future niya, saakin niya pa binibigay para makapag-law school ako.

Di bale, pag ako grumaduate na, babayaran ko siya sa lahat ng ginastos niya para saakin.


"Kuya Arthur?"

"Heaven?" Gulat niyang tanong. Bigla naman siyang ngumiti. "Heaven, ikaw nga."

I smiled and he immediately pulled me into a hug.

"Ano ang ginagawa mo dito, Kuya Arthur?" Naka dark gray na suit and tie kasi siya tapos ang pormal ng dating. Siguro galing siya sa law firm na pinagtatrabahuan niya.

He gave me a look. "I told you, Kuya Art is fine. You can also drop the Kuya if you like."

I wrinkled my nose. "Sus. Feeling bagets ka lang kaya gusto mong hindi kita kinu-kuya eh." Natawa naman siya sa sinabi ko. "See, guilty."

Best friend ni Kuya si Kuya Art. Parehas silang limang taon ang tanda mula saakin. Bago pa siya maging lawyer, Kuya Art ang tawag ko sakanya. Pero nung pumasa na siya ng BAR, pakiramdam ko ay ang bastos kung iyon ang tawag ko sa kanya, kaya simula non ay Kuya Arthur na ulit ang tawag ko sa kanya. 

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" He asked.

"Hey! I asked you first!" Parang bata kong maktol.

He chuckled. "Nakipagmeet ako sa isang client kanina and since nandito narin naman ako, nagpasya na akong dumaan dito. Kaibigan ko kasi iyong may ari ng coffee shop na 'to. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" He gave me a pointed look. "You're not cutting classes, are you?"

I frowned. "Grabe naman maka-judge. May three hour break kasi ako since nag freecut iyong isa kong subject kaya naisipan kong dito nalang tumambay since nag-crave din ako ng coffee."

"May kasama ka?"

I shook my head. Balak ko sanang guluhin sina DLC pero naisip kong baka need rin nilang mag-aral kaya hindi ko na tinuloy iyong balak ko. Si Fletcher naman, hindi ko alam kung saan nagsusuot iyong lalaking iyon.

"Do you mind?" he asked, signaling to the chair across me. I shook my head kaya ngumiti siya at naupo doon. Kinalas niya ng kaunti ang suot na tie at binaba ang briefcase na hawak niya sa sahig. May hawak rin siyang kape. Paalis na kasi ata siya nung tinawag ko siya.

"Grabe Kuya Art, mukha ka na talagang lawyer. Parang dati lang nung naghihiraman pa kayo ng brief ni Kuya."

Muntik niya nang maibuga iyong kape na iniinom niya. Nanlalaki iyong mga mata niyang nakatingin saakin.

I laughed. "Bakit? Totoo naman ah?"

"Paano mo nalaman? Sinabi sa'yo ni Van?" 

I shook my head and snorted. "Mukha bang sasabihin iyon saakin ni Kuya? Nung college pa kayo, napadaan ako sa kwarto ni Kuya nung nandoon kayo tapos narinig ko lang," sagot ko. "Aray!" Bigla niya kasi akong pinitik sa noo!

"Heaven Amore, eavesdropping is not a good habit." Naiiling niyang pangaaral.

"Hindi ako nag-eavesdrop! Sadyang malakas lang iyong boses niyo." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Isa pa, wala ka bang sariling brief? Hindi ba awkward humihiram ka pa sa―"

"Shhhhh," tinakpan niya iyong bibig ko gamit ang kamay niya kaya dinilaan ko iyon. "Heaven!" Gulat niyang bulalas.

"Yuck. Ang alat," biro ko.

He glared at me. Kumuha siya ng panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan iyong kamay niya. Nag-alcohol pa siya as if sobrang nandidiri siya sa laway ko.

"Grabe naman, germ-less kaya iyong laway ko."

Kuya Art made a face. "Germ-less daw. Kung sino-sino kaya hinahalikan mo nung college ka pa."

My jaw dropped. Inabot ko siya at hinampas ng malakas sa braso. Hindi ko pinansin iyong pag-hiyaw niya. 

"Ang kapal mo naman Kuya Ar―"

"Hey, mas matanda parin ako sa'yo. Show some respect." Kunwaring pag-seseryoso niya.

"Ang kapal mo naman po Kuya Art," pagbabago ko. "Hindi lang kung sino-sino iyong hinahalikan ko nung college ano! Mga naging boyfriend ko iyon!"

Napangiwi naman siya. "Oo nga, pero ilan ba ang naging boyfriend mo?"

Napaisip naman ako. Ilan nga ba?

"Mga apat lang naman."

He snorted. "Yeah, right."

My eyebrows furrowed. "Teka nga, bakit alam mo iyan? Graduate na kaya kayo nung naging college ako!"

He rolled his eyes. "Malamang nakikita ni Van. Kanino ba iyon mag-rereklamo? Syempre saamin. Kinikilabutan daw siya tuwing nag-uuwi ka ng lalaki. Matapos mo daw ipakilala, after two months eh break na kayo."

Napanguso naman ako. Kasalanan ko bang mabilis akong mag-sawa? Ang pinakamatagal ko atang naging boyfriend ay seven months lang, at iyon pa ang una kong boyfriend. Habang patagal ng patagal, mas umiikli ang haba ng relationship namin ng mga nagiging karelasyon ko.

Hindi ko alam bakit. Siguro hindi lang talaga sila ang para saakin.

"Ano? Idedeny mo pa?" Mapang-asar niyang wika.

Akmang magsasalita ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Heaven."

***

Before I Choose (DLC Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن