08

0 0 0
                                    

Chapter 08?! Here we go!

☟☟

-

Kalahati na ng araw ang lumipas pero ganon parin, masakit parin ulo ko. Hindi ko parin nakikita si Sheka pero alam kong nandyan lang sya sa tabi-tabi gumagawa ng kagagahan n'ya. Nakakapagtaka lang dahil hindi n'ya ako hinahanap pero ayos nadin 'yun bawas stress nadin kasi alam kong OA na naman ang magiging reaction n'ya pag nalaman n'yang may lagnat ako.

Gosh!

Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ang malamig na hangin mula sa bintanang malapit lang saakin. Dahil nasa third floor kami malamig talaga 'yung hangin at lalo pang nagpapalamig 'yung punong mataas na nasa tapat ng room namin. Nakita ko naman si Yurika na nagpipicture sa may bintana.

"Oy Yuri!" pagtawag ko sakanya at kita ko na medyo nagulat s'ya. Hmpk!

"Y-Yes Ashina?" napa-straight pa ng tayo si Yurika.

"Pakisarado nga nung bintana please" pag-uutos ko with manners. Medyo lumawak pa ang singkit n'yang mata. Hala slow ka girl? Psh. Naniniwala naman akong gagawin ni Yuri 'yung inutos ko kaya hindi ko na s'ya  pinanood pa sa gagawin n'ya.  Pinatong ko ang siko ko sa table ko at hinilot ang sintido ko. Leche parang pinipiga ang mga epal kong braincells 'e kaya ata hindi sila umeepal ngayon kasi nagdudusa sila sa utak ko. Buti nga, charot.

"Eh? Kisama--kusogaki! Ang lapit-lapit lang ng window iuutos pa talaga grr" natigil ako at matalim na napatingin kay Yurika habang padabog na sinasarado ang bintana

"Ano? Yuri may sinasabi ka?" seryosong tanong ko at unti-unti namang tumingin saakin si Yuri.  Plastik n'ya akong nginitian at nag-peace sign pa. Ang cute talaga ni Yurika ang sarap chop-chopin, char.

Jinajapanese-japanese n'ya pa ako ha? Akala n'ya siguro hindi ko naintindihan —hindi talaga.

"H-Huh? W-Wala sabi ko ang g-ganda ng bangs mo ngayon feeling ko madagdagan ng mga one centimetre 'yan hehe.." matalim parin akong nakatingin sakanya as if naman nakikita n'ya mata ko  s'ya naman may papalakpak-palakpak pa.

"Yeyy! That's a achivement! Yey Ashi--yey!" pagsasalita n'ya habang naglalakad palayo saakin. Luh? Para namang nakakatakot akong nilalalang. By the way nakatulong naman 'yung pag-close ng window nabawasan 'yung malamig na hangin. Napatingin ako sa buong klase. Pfft gosh. Lahat sila may hawak na pamaypay. Sabi ko kasi kanina patayin 'yung aircon dahil nilalamig ako, ginawa naman ng mga gago HAHA.

Di ko inexpect 'yun.

'Yung mga teacher naman na pumupunta dito akala nila sira lang 'yung aircon at expected na daw nila 'yun dahil hindi namin nililinis simula't sapul 'yung aircon.

Edi wow.

Binuksan ko 'yung bote ng tubig na hawak ko at ininom 'yun. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko tsaka nararamdaman ko nadin na nagdadry na lips ko, stay hydrated guys.

"Balita ko mag-iiba na daw schedule ng chemistry class natin ah." natigil ako sa paglagok ng tubig ng marinig 'yun.

"Talaga? Pa'nong mag-iiba?"

"Hindi ko nga din alam 'e. Mamaya pupuntahan ako sa kabilang section makiki-chismis ako hihi" mag-iiba ng sched? Eh halos kalahati na ng school year ang napapasok namin tapos mag-iiba? Hayst bahala nga sila ang mahalaga maka-graduate ako. Bumalik ako sa paghihilot ng sintido ko. Gosh parang sinusunog ang mata ko at parang maiiyak nalang ako at tsaka ang kati ng lalamunan ko parang tanga lang. Ang tagal na nung huli akong nagkasakit ng ganito mga limang-buwan nadin 'yun.

Head over HeelsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt