05

0 0 0
                                    

CHARANNN! ENJOY POOO♡

☟☟

"OMG ASHI! Kinakabahan ako! Paano kung hindi masarap ang maluto ko?! My G! Paano kung magkulang sa paminta? o sa salt? o sa toyo?!" napairap nalang ako sa ere dahil dito kay Sheka. Saan ba kasi sya pinaglihi ni tita Shae? Napaka-OA nya! Sa pagkakaalam ko mahinhin pa kay Maria Clara si tita Shae. Gosh

"Sheka kumalma ka please. OA mo nasyado akala mo naman masasalba ng lulutuin mo ang ekonomiya ng Philippines." kita ko sa mga pagitan ng bangs ko ang matalim na reaksyon ni Sheka.

"Okay Ashina salamat sa support." mahina akong natawa dahil sa sarcastic na sabi ni Sheka.

"Basta Sheka galingan mo nalang sapat na 'yun."

"My G, syempre gagalingan kong magluto. Duh, sasali ako sa cooking fest tapos hindi ko gagalingan? Wag ganun. Gagalingan ko pero hindi ko sasarapan" leche. Nabatukan ko si Sheka dahil sa sinabi n'ya.

"Gaga ka girl?"

"Hehe. Gagalingan ko talaga kung gusto mo gigilingan ko pa mamaya ang pagluluto ko." potaena. Kahit ganyan si Sheka tanggap ko naman sya. Tanggap ko na kinulang lang talaga sya sa neurons kaya sya ganyan, charot. Sabay na kaming naglakad ni Sheka papunta sa venue ng cooking fest. Required ang mga students na manood ng cooking fest. Jusme pustahan tinatamad lang magturo 'yung mga teacher kaya pinayagan nila, psh. Hayp na school life charot.

Sa paglalakad namin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng coat ko.

May nag-text.

From: Kiel

Hi myloves ko! Hindi nga pala kita masasamahan manood kay Sheka, something happened sa company namin 'e.

Psh.nBakit kailangan pa nyang ipalam saakin. Girlfriend nya ba ako?bHayst. Hirap naman ng buhay ng chingchong na 'yun. Batang-bata pa namomroblema na kaagad sa company ng mommy n'ya. Naikwento saakin ni Kiel 'yung about sa company nila last time akala pa nga niya hindi ako nakikinig sa mga dada n'ya HAHA.

Pakiramdam ko tuloy ang unfair ko kay Kiel. Ang dami na nyang nakwento about sa sarili nya and even tungkol sa family nya pero ito ako pinagdadamot kung anong deserve nya. Hayst.

Hindi kona ni-replayan si Kiel at pinatay na ang phone ko. 

"Wait Ashi, nasaan si Kiel?" tanong ni Sheka. Ineexpect nya ata na manonood si Kiel.

"Ah may gagawin daw hindi ata makakapunta" sabi ko habang inaayos ang bangs ko.

"My G. Sayang naman over pa naman kung mang-cheer 'yung motherfucker na 'yun, tsk tsk" kita ko nga ang panghihinayang sa mukha ni Sheka habang nailing-iling. That's true. Naalala ko tuloy bigla nung first quarter namin naglaro kami ng volleyball para sa physical education namin. Gosh, doon na nagsimulang pumasok sa buhay ko si Kiel. Chini-cheer n'ya ako noon, sinisigaw nya pangalan ko with 'my loves' kaya takang-taka ako non at syempre inis na inis .Sa sobrang inis ko sakanya napalakas ang spike ko ng bola kaya ayon dumeretso sa bintana ng room nila Sheka, sa third floor.

Hayst.

Nagpaalam muna ako kay Sheka na pupunta ako sa comfort room. Leche ang bigat ng pantog ko. Pumasok ako sa isang cubicle dito at malayang nilabas ang saloobin ko, char. Lumabas na ako sa cubicle tsaka humarap muna sa malaking salamin.

Head over HeelsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant