My heartbeat rose and I can feel the heat, not only in my cheeks but in my whole body. Bigla akong nag-panic at nanginig sa paghawak sa cellphone ko kaya binaba ko iyon sa tabi ko.

Dumapa ako sa kama habang nasa unahan ko ang cellphone ko. My eyes are wide as I watched his name on my screen with no intention to pick up his call. Hinintay kong ibaba niya mismo ang tawag hanggang sa naging missed call iyon.

Napahinga ako ng maluwag.

Bakit kasi kailangan pa ng tawag? Calls are so awkward! Komportable lang ako sa mga tawag kapag galing kay Fire, Mama, at Daddy. Pero wala pa akong kahit isang sinagot na tawag mula sa ibang tao-mainly because I have no other people in my life.

Honestly, I am most comfortable talking to Theo digitally. But I am also a little okay now personally...

Hindi nawala ang kaba ko sa dibdib habang pinapanood ko ang missed calls ni Theo. Hindi kasi natigil ang sunod-sunod niyang pagtawag kahit hindi ko naman sinasagot. Noong nakalimang missed calls na siya ay nakatanggap naman ako ng bagong text. Doon tuluyang nawala ang kaba ko.

Theo:

Let me guess, pinapanood mo lang tawag ka no?

My lips parted. Agad kong kinuha ang cellphone ko at muling umayos ng higa. Paano niya nalaman? Wag ka nang tumawag, please!

Nabitin ang aking daliri sa hangin, hindi alam kung ano bang dapat kong ireply sa kanya. I tried to compose words but I end up erasing it because it sounds inappropriate. Ilang minuto pa akong hindi nakapagreply sa kanya ay nakatanggap na muli ako ng text.

Theo:

Ouch, ignored.

Sey

In any chance, did you suddenly transformed into an animal who doesn't know what a phone is?

Napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang ngiti ko. I really don't know how can he really bring panic and smile in me at the same time...

Theo:

Meow? Meow meow!

I laughed. What the hell? Tumatawa ako at sumandal sa aking headboard. Oh my god, is he really a 25-years-old man? Yung architect at CEO?

Nagtipa ako sa wakas ng sagot.

Ako:

I'm not comfortable with calls.

Ilang segundo lang ay nakatanggap na agad ako ng reply galing sa kanya.

Theo:

Nice, tao ka na ulit. Welcome back!

I smiled and type again.

Ako:

Bat naman pusa?

Theo:

'Cause you're chinita! Pusa hahaha

Why are you the one asking? Ako dapat diba?

Ngumuso ako at agad nagreply.

Ako:

Ano bang tanong mo?

Hinintay ko ang kanyang reply. Umabot iyon ng minuto kaya ganon din ako kahabang nakatingin lang sa screen ng cellphone ko at sa conversation namin.

Theo:

I have an offer to talk about. Kailan ka libre?

Kumunot ang noo ko. Offer? Tungkol saan? At saka, bakit niya naman ako tinatanong kung kailan ako free eh nagpapakita nga siya sa campus ng bigla nalang at nahihila niya na agad ako para sumama sa kanya? I blushed because of my thought. Iba ata ang tunog noon...

Every Reason WhyWhere stories live. Discover now