Kabanata 2

32 10 9
                                    

Kaibigan

Kinabukasan, araw ng lunes. Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga tilaok ng mga manok.

Bumangon ako at naghanda na para sa eskwela na madalas kong gawin.

Pumasok na ako at maagang nakarating rito dahil malapit lamang ito sa aming bahay, minsa'y pinaka una ako na dumarating sa silid aralan.

Matapos ang klase at break time namin, palagi akong lumalabas at sa matatayog na punong acaccia ko naiisipang magpahangin.

Binuksan ko ang chicken sandwich na madalang sa'king ihanda ni mama at iniangat ko ang aking mga mata nang may limang lalaki na madalas kong makita sa lower section na lumapit sa akin at hinablot ang tinapay na hawak ko.

"Hoy! Ibigay nyo sa akin yan!" Naiiyak kong sambit.

"Bakit namin ito ibibigay? Amin na'to!" At tumawa sila ng malakas at inilabas ang kanilang dila bilang pang aasar.

Pilit kong kinukuha ang tinapay na inihanda sa'kin ni mama. Hindi pwede, magagalit siya sa akin pero anong laban ko sa mga  lalaking bully na'to?

"Nakikiusap ako, magagalit sa'kin si mama!" Sigaw ko at nagsisimula nang umiyak ng malakas.

Pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko estudyante ngunit katulad ko, wala rin silang magawa.

Tumawa ng malakas ang lalaking may hawak ng tinapay ko. "Salamat rito ha! Eto na, hindi pala masarap" at hagis ng supot sa mukha ko

Magagalit sa akin si mama! Minsan niya lang akong handaan, nakain pa ng iba. Pinulot ko ang plastic at walang nagawa kung hindi umupo ulit sa seatplan ng room namin at pilit na pinipigilan ang mga luha.

Wala ni isang nagtangkang lumapit sa'kin dahil sa takot din nila sa mga bully na iyon! Sana sumakit tyan nila!

I don't have any friends. I just have myself and my mom, pero sanay nang walang nakakausap sa school sa buong grade school 'ko at dahil last year ko na 'to, umaasa parin akong magkakaroon ng kaibigan sa unang taon ko bilang highschol.

Ay! May kaibigan pala ako! Muntik ko nang makalimutan si twinkle! I tapped my fingers on my desk and wiped my tears.

Ayos lang iyon, Eliza! Busog ka pa naman dahil marami kang nakaing breakfast. Baka, malas ka lang ngayon at sa'yo pa natapat ang mga bad na taong 'yun at pilit na kinukumbinsi ang sarili.

The ring belled. I looked at my classmates who happy sharing their thoughts to their friends but  unlike me, walang nagtatangkang lumapit dahil sa history ng family ko.

I shooked my head, ayos lang 'yon.

Dumating ang aming guro and I continued listening to her. I really admired her and she's my favorite teacher since I was grade three.

Tahimik ang klase habang nakikinig ang lahat. At the age of thirteen years old, pagtuturo ang nakikita ko sa sarili ko pagdating kong kolehiyo and everytime I imagine myself, dito nagsisimulang lumipad ang mga imahinasyon na mayroon ako.

Teacher Eliza Monteverda, not bad.

Pilit 'kong binalik ang sarili ko sa harapan at patuloy na nakinig sa aming guro ngunit hindi na nasundan ang mga sinasabi niya dala ng likot ng isipan.

"Get one whole sheet of paper..." Our teacher said.

Hala! Anong isasagot ko?

"Eliza, pwedeng pahingi ng papel?"

Isang kalabit ang ginawad sa akin ng aking katabi, si Bliss at isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at walang alinlangang inabot sa kaniya ang papel na hinihingi niya.

"May isasagot ka?" sabay bulong niya.

Umiling ako ng dahan dahan. Hindi ka kasi nakikinig Eliza!

"Lapit ka, I'll help you" and smiled at me.

I stunned for a moment. May kumausap sa'kin? Hindi ako nagdalawang isip na lumapit.

I passed the short quiz at hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang  may pumansin sa'kin at tinulungan ako ng walang kapalit. It's achievement...

to be notice and make friends.

My day went on. Habang naglalakad sa corridor at mag isang uuwi, hindi ko mapigilang ngumiti dala ng bagong karanasan.

Pinikit 'ko ang aking mga mata at nilanghap ang halinhin ng masarap na simoy ng hangin na dala ng mga puno na palaging sinasayaw ang aking buhok at nagpatuloy sa paglalakad ng may ngiti sa labi.

Rewrite the Stars (On-going)Where stories live. Discover now