Kabanata 1

30 9 4
                                    

Pamilya

"Ang layo na!" sambit ko habang tinatanaw ang saranggolang madalas kong pinapalipad.

Habang pinagmamasdan ang sayaw  nito, makikita rito ang magandang tanawin na siyang malayo sa kabihasnan.

Nakatayo ako sa mataas na bato na madalas dayuhin ng mga turista dahil makikita rito ang buong sakop ng El Pobre.

May makakapal na damo na madalas akong humiga at pagmasdan ang paglubog ng mga araw.

It's been my lifestyle since my father left us. Sa murang edad, ito na ang nakakalakhan at nakakasanayan kong puntahan.

Yes, it's my secret place.

Matatayog na puno, masarap na simoy ng hangin. Walang gaanong dumadaang mga sasakyan at malawak na lupain na pagmamay ari ng isang mayamang pamilya.

Ito ang madalas kong gawin tuwing umuuwi galing sa eskwela.

Pinagmasdan kong muli ang araw dahil papalubog na ito, nagsimula kong kunin ang aking pinapalipad.

Pinagpag ko ang aking nga tuhod dala ng buhanging kumapit sa maputi kong balat. Baka, hinahanap na rin ako ni mama.

Muli, tinahak ko ang daan na siyang madalas kong daanan upang makaiwas sa mga mababangis na hayop.

Ang bali-balita'y may ligaw na baboy ramo ang naliligaw rito at humahanap ng makakain. Sa pabalik balik ko rito'y wala pa naman akong nakikiita at dahil sanay na sa mga pasikot sikot na daan, madalas nakakaiwas sa ganitong uri ng mga hayop.

Tumama sa aking mukha ang sinag ng araw kasabay ng usok na may kasamang buhangin. Sunod na sunod ang sasakyang dumaan at dahil maalikabok, gumilid ako sa mismong daanan.

Magagandang sasakyan na kulay itim ang aking napagmasdam matapos itong dumaan at isa lang ang ibigsabihin nito, umuwi ang pamilyang Caster galing sa maynila na kung saan, pagmamay ari nila ang malawak na lupaing aking pinupuntahan at nilalakaran.

"Eliza, saan ka nanaman nagsusuot na bata ka ha? Tignan mo 'yang damit mo, panay alikabok!"

Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at pinagpag ang damit na nabahiran ng mga alikabok galing sa sasakyan.

"Ma, nagpalipad lang po ako ng saranggola sa terek..." At unti unting umakyat sa pangalawang palapag upang maligo at maghanda para sa hapunan.

"Dalian mo at kakain na tayo!" Ani Mama

Naligo ako at bumaba para kumain ng hapunan. Nakahanda na ang mga kubyertos na madalas gawin ni mama.

Matapos kumain, ako na ang naghugas ng mga pinggan na madalas kong gawin bilang pagtulong sa gawaing bahay.

Maliit lamang ang bahay namin na isang lumang disensyo na may dalawang palapag. May tatlong kwarto, isa sa baba at dalawa sa itaas na may maliit na kusina at may malalagong bulaklak sa hardin.

Muli, pinagmasdan ko ang mga bituwin habang nakaupo sa balkonahe.

Stars have been my friends. Sa kanila ako naglalabas ng sama ng loob, saksi sila sa mga kalungkutang nangyari sa akin at hinahangaan ko ang mga kinang ng mayroon sila.

"Twinkle, ang gaganda ng mga sasakyang ng Caster..." at itinaas ang mga kamay na tila inaabot ang mga ito.

Bumalik sa ala ala ko ang nangyari kanina. Kuntento ako sa mayroon ako ngunit sa tuwing naalala ko si papa, I want to dream big and I want to know where he is...

"Alam nyo ba, gusto kong magkaroon ng ganon balang araw at maisakay ko si Mama para mahanap si Papa" pagpapatuloy ko

Nanatili ako ng kaonting oras at tahinik na pinagmamasdan ang mga bituwin.

Humampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin at patuloy na tinitigan ang mga bituwin hanggang dapuan ang antok na siyang nadalas kong gawin bago matulog.

Pumasok ako sa kwarto at balak nang matulog. Isinara ko na ang pintuan sa balkonahe at unti unting humiga dahil kailangan kong magising ng maaga bukas upang maghandang pumasok dahil unang araw ng linggo.

Rewrite the Stars (On-going)Where stories live. Discover now