Pangako

5 0 0
                                    

Ika-dalawampu't tatlo na ng Disyembre. Magpapasko na pero narito si Zophreia sa may daungan ng barko, umiiyak.

May hinahanap siya. Isang lalaking hindi niya kailanman inasahang babago ng kaniyang pananaw. Lalaking kahit kailan, hindi niya inakalang gugustuhin niyang makasama araw araw.

Pero narito siya. naghihintay, at nag aasam na makita siyang muli.

"Zophreia?" rinig niyang tawag sa kaniya ng isang napakapamilyar na boses.

Hindi na siya nagdalawang isip at agad na siniil ng yakap ang kararating lang na lalaki.

"Grabe ka! Wala ka man lang planong magpaalam sakin?! May plano ka bang ighost ako?!" Matapos ang matamis niyang pagyakap ay agad niya itong pinalitan ng suntok, sampal at tadyak. Kasabay ang pagsisisugaw niya na nakahakot ng panauhin sa lugar na iyon, "Kung hindi pa sinabi sa akin ni Ysmael ay hindi ko malalaman na aalis ka!"

Napakamot na lamang ang lalaki sa pinaggagagawa ng kaniyang irog.

Patawa tawa lamang siya habang puno na ng luha, pawis at uhog ang babae.

Mabilis niya itong niyakap. Ramdam niya ang basang mukha nito na nakadikit sa kaniyang dibdib.

Walang tigil naman sa paghikbi si Zophreia. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng kaniyang sinta. Ngunit, tila isang malaking tinik naman ang naglaho dahil nakita niya ito bago ito tuluyang lumisan.

"Sorry. Babalik naman kasi talaga ako agad eh. Wala talagang kwenta sabihan ng sikreto si Ysmael." Pailing iling na sabi ng lalaki. "Kailangan ko lang talagang umuwi sa amin. Pero, pinapangako kong babalik ako agad. At sa pagbalik ko, hinding hindi na ako aalis." Nakangiti ito habang yakap yakap parin si Zophreia.

"Pano kung di ka na pala talaga babalik? Ni hindi ka nga nagpaalam eh. Ghosting ang tawag dun!"

Napatawa na lamang ang lalaki. May kinuha siyang isang maliit na kahon at dahan dahang lumuhod sa harap ni Zophreia.

"Hindi ko aakalaing mapapaaga ito. Pero, mahirap talagang sorpresahin ang aking Reyna." Nakangiting sabi ng lalaki at dahan dahang binuksan ang kahon na may lamang isang napakagandang singsing.

Malakas na hiyawan ang maririnig sa paligid. Lahat sila ay inaabangan ang sagot ng dalaga.

Hindi naman makapaniwala si Zophreia. Tila ba huminto ang kaniyang paligid. Ang mga luhang kanina ang dahilan ay pangamba't pighati, agad na napalitan ng galak na kitang kita sa mukha ng dalaga.

Dahan dahan siyang tumango. Dahan dahan niya ring inabot ang kaniyang kamay sa lalaki.

Nginig man ang kamay ay sinuot nito ang singsing sa palasingsingan ni Zophreia. Puno ng tuwa sa puso ng binata na agad namang tumalon para yakapin ang kaniyang sinisinta.

Hindi nagtagal ang mga kaganapan dahil kinailangan nang umalis ng lalaki.

Pangiti ngiting tinitingnan ni Zophreia ang singsing na kaniyang suot suot habang pauwi sa kanila.

Abot tenga ang ngiti nito na tila ba wala nang mas sasaya pa sa kaniyang nararamdaman ngayon.

Ilang araw nga ang lumipas. Ang pag daan ng mga araw ay tila ba nais nang pahintuin ni Zophreia. Labis ang pagkasabik nito sa pagbalik ng lalaki.

Hangang sa buwan... Ilang buwan... Napakaraming buwan... Taon...

Ilang taon nga ang lumipas...

Hindi na nga nagbalik ang kaniyang sinisinta.

Una't huling balita ni Zophreia, kinasal na pala ito sa iba...

Mga Akda ni RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon