My Beautiful Ending

6 0 0
                                    

I placed my bag on top of the table before jumping in the bed. I just arrived from school, dropped my final report card somewhere near the TV so my father would see it when he arrives.

A sigh is what I can only do at this time. Sanay na rin naman akong masampal at matadyakan. Kahit naman hindi niya malamang bagsak ako sa ilang klase ko, bubugbugin niya parin ako. I smiled at my own thought.

"Well, atleast ngayon, may rason na yung pambubugbog niya." I laughed, neglecting these tears falling from my face.

With that, I slept.

Hours passed and a loud bang from the door woke me up.

Nanginginig pa kong napabangon ng isang bag na puno ng tools ang binato sa mukha ko.

Oh, great. Andito na si Daddy.

"Punyeta! Napakawalang kwenta mo talaga!" Nakita kong kinuha niya ang kaniyang sinturon. "Akala ko pa naman mapupunta ka na sa walang kwentang Mommy mo dahil magkacollege ka na tapos ganito?!"

Kasabay ng pagbato niya ng masasamang salita sa akin ay ang malakas na pagtama ng kaniyang sinturon sa aking katawan.

Mahapdi... Masakit.

Pero nagmistula akong tuod na tinatanggap lang lahat ng sakit. Sa tuwing lalapat sa aking balat ang bagay na iyon ay parang nahihiwa ito. Ngunit wala. Wala na kong maipakitang emosyon. Blanko ang aking mukha at niisang patak ng luha, walang kumawala.

Ang tanging alam ko na lamang ay nilamon ako ng kadiliman.

NAGISING ako na wala man lang iniindang sakit. Namanhid na yata ang buong katawan ko.

Inikot ko ang aking paningin at napagtantong wala pala ako sa aking kwarto.

Ang pagragasa ng ilog ang tangi kong naririnig, kasabay ng pagtama ng aking paningin sa isang garbage bag.

Lalapitan ko sana iyon ng may mapansin akong kakaiba sa basurahang iyon ngunit naunahan ako ng ibang tao.

Isang babaeng may dala dalang batya at lalaking walang pang itaas ang nagmadaling lumapit sa basurahan.

Dahan dahan nila itong binuksan. Ako man ay lumapit na rin, dala ng pagkalito ko sa pangyayare. Ni hindi ko pa nga rin alam bakit nandito ako sa ilog.

Mga damit ang nasa loob nito. Mayroon pa ngang uniform na kaparehas sa pinapasukan ko. Kinuha nila ang mga bagay na nasa loob nun saka hinigit ang isang sinturon. Duguan ito at napakapamilyar ng sinturong iyon.

Nagulat ako ng napaatras ang babae.

"M-may- May bangkay!" Malakas niyang sigaw.

Sinilip ko ang nasa loob ng basurahan at nakita ang aking sarili.

"A-ako?" Ani ko. Pinagmasdan ko ang aking mga braso.

Parang nagiging abo ito na pilit tinatangay ng hangin.

Saka ko napagtanto ang lahat. Isang matamis na ngiti ang kumawala sa aking mga labi habang tuluyan na akong tinangay ng hangin.

Sa wakas, natapos rin.

Mga Akda ni RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon